Chapter 15

8.1K 285 48
                                        

Shannon's POV

"Shit!" Mura ko ng mapaso ako sa kawali. Dali dali akong kumuha ng ice sa freezer bago ipinahid sa palad ko. Late na ko nagising. Kaya nagkukumahog akong ipagluto ng almusal ang aking iniirog. Haha. Pisti, ang corny ko na naman.

Napangiti ako ng maalala ang nangyari kagabi, yun na yon eh! Napapalatak din ako ng maisip na hindi natapos! Langyang Raven na yun. Kung kelan nasa kainitan ng pangyayari saka pa ko tinulugan! Isang daang anghel ang nagtulong tulong para hindi ako matuksong huwag syang rapin habang natutulog. Tsk. Binuhay nya talaga ang katawang lupa ko..

Nang medyo ayos na yung pakiramdam ko sa pagkakapaso, binalikan ko na ulit ang pagluluto. Maya maya pa, narinig ko na yung mga yabag ni Raven.

I held my breath when I see her. Her hair wasn't in it's usual neatly comb yet she still looked so effing beautiful. Half open lang yung mga mata nya. Nasisilaw siguro sa liwanag. Gusot gusot din ang pantulog pero bakit sobrang hot nya sa paningin ko??

"Can I have a glass of water please?" She said in a husky voice while pulling a chair then sit...

I smiled and happily obliged..

Inabot ko yung hinihingi nya. Bago naghanda na ng almusal..

"Why so quite?" She asked all of a sudden..

"Kapag maingay ako pinatatahimik mo, ngayon namang tahimik ako tatanungin mo kung bakit??"

She sighed, "did something happened last night?"..

Seriously?? She doesn't remember anything???

"Well?"..sabi ulit nito ng nakatanga lang ako sa kanya..

"Nothing!" I lean closer to her. "Nothing. At. All." Bigay diin ko sa bawat salita ko..

Napapalatak sya na parang napapantastikuhan sa kilos ko. Bigla akong nainis. Hindi na nga natuloy hindi pa rin naalala??! Tsk.

Sinalin ko na yung sinangag sa bandehado at nilapag sa mesa. Luto na rin yung tocino at sunny side up egg ko.

"Wag ka nga magdabog. Kung naiinis ka ng pinaghahanda ako ng almusal then tigilan mo. I never asked you to do so anyways."

Hindi naman ako nagdadabog. Medyo napalakas lang yung pagkakalapag ko ng plato. Since glass yung table kaya aakalain mo na nagdadabog. Bakit ko naman gagawin yun? Gustong gusto ko ngang pinagsisilbihan sya.

I smiled sweetly, " hindi po ako nagdadabog mahal na reyna, kumain ka na. Gutom lang yan".

Kunot noo pa rin sya. Tahimik na nag umpisa na kaming kumain. Maya't maya pa ko syang nahuhuling tumitingin sakin. Kilig naman ako. Hehe. Dapat pala sa kanya sinusungitan eh.

"Ahm, may gagawin ka ba today? Are you going out or something?" Tanong nya nung malapit na kaming kumain..

"Wala. Eversince naman na nag stay ako dito, hindi na ko lumalabas eh, bakit??"

"Ahh..ok. uhmm, ano kasi, magpapasama sana ko sa mall. I need to buy some toys for the children. May outreach program kasi kami nextweek." Medyo hesitant nyang sabi..

"So you're asking me out on a date?"

"It's not a date! Magpapasama lang ako mamili. Syempre kailangan ko ng tagabitbit..pero kung bibigyan mo ng malisya, just never mind then".

"Haha! Ito naman di na mabiro. Sure sama ko. Ikaw na maghugas ng mga plato ah. Magreready na ko".

Bigla akong na excite. Nawala na yung pagkabadtrip ko sa hindi nya pagkakaalala sa nangyari kagabi. I'll make sure na lang na pag may ganung ganap na sober sya para sure na di nya malilimot. Hihi.

It Started With A LieWhere stories live. Discover now