Chapter 3

9.7K 286 26
                                        

"Ugh, that woman is really getting into my nerves! We've been waiting here for like a year ago already!" I complained with exaggeration.

Macy just rolled her eyes. "Wag ka ngang oa dyan Shan, ikaw ang may gustong ngayong gabi tayo pumunta dito sa bahay nya tapos mag iinarte ka dyan. Malamang naipit sa rush hour si ate Raven. Malapit lang naman dito sa bahay nya yung facility na pinagtatrabahuhan nya".

"What kind of mental institution does she works anyway, I thought she's a teacher?"

"It's not a mental institution. It's a therapy center for children with special needs. I think speech therapist sya. Same sila ni kuya Karl. And just so you know, they own the center. Silang magkakaibigan ang founder ng CLC. And mind you, ate Raven is pretty good in her field."

"Whatever, she's my enemy so tigilan mo ang kaka build up ng good image nya sa akin cause I won't buy it. Mang aagaw sya. Period!" Taas kilay na sabi ko.

"Correction bessy, hindi pang aagaw tawag dun kasi break na kayo ng maging sila ni Chad."

"Pwede ba Macietta! Kanino ka ba talaga kampi? Ako ang kaibigan mo dito!" Nababanas na bumaba ako ng kotse nya at dinukot sa bulsa ng denim jacket ko ang yosi. Agad kong sinindihan at hithit buga ang ginawa ko..

"Eww, don't call me with my real ugly name! Saka pwede ba, wag kang mag smoke. Sa lahat ng ayaw ni ate Raven, yun yung smokers". Sabay agaw nya sa stick na nakaipit sa labi ko at tinapon sa ground bago tinapakan. Wala na kong nagawa kundi bigyan sya ng death glare..

"Relax ka lang, kalamayin mo ang loob mo, baka pagka kita mo pa lang sa kanya sabunutan mo agad, umayos ka. Buti nga napaniwala ko si ate Macky na seryoso ka na namag trabaho. Hindi mo alam kung anong klaseng terror ang naramdaman ko habang nagsi sinungaling sa kanya bruha ka.."

Kung nagtataka kayo kung pano kami nakalusot sa mapanuring pag uusisa ng ate ni Macy, well ganito lang yan, sinabi kong gusto kong mag umpisa sa mababang posisyon, since graduate ako ng business management. Kunyari ay nagtatanong lang kami ng prospect na possible employer ko. Kahit secretary lang maging position ko ok na. At nung sinabi nya bakit hindi na lang sa company namin ako mag work, syempre since napag planuhan na nga namin ni Macy, or should I say plinano ko, sinabi ko na lang na ayoko ng umasa sa parents ko. Na gusto ko ng tumayo sa sarili kong paa without their help. Na gusto kong maging proud sila sa unica hija nila..since 22 naman na ako kaya pwede ko ng gawin ang mga bagay na walang consent nila basta ikabubuti ko..Mukhang effective naman kaya heto na ako ngayon. Nasa harap ng bahay ng impaktang mang aagaw ng boyfriend! And speaking of that woman, talagang iniinis na ako ng sobra sobra. Kanina pa kaming 7pm pasado dumating, pero 8:30 na wala pa rin sya! Juskoh, pinpapak na ng mga lamok ang flawless kong skin! Buti na lang nasa loob ng subdivision yung bahay nya.

"I think that's ate Raven's car na". Sabi ni Macy sabay kalabit sa akin..

"Finally! " pinagpagan ko ang imaginary dirt sa pants ko kahit hindi naman kami umupo sa ground. Ewan pero bigla akong nakaramdam ng nerbyos. Siguro kasi makakaharap ko na yung taong umagaw sa boyfriend ko. Yes, tama yun lang yun! Palapit na ng papalapit yung minamaneho nyang black pick up truck..at teka, bakit parang palakas ng palakas din ang tibok ng puso ko? Naduduwag na ba ako? No way! Hindi na ko pwedeng umatras. Ako si Shannon Nicklause Ordaine Alvington, 22 years old ng Makati City, ang magandang babaeng walang inuurungan. Hindi na uungusan kasi hindi kayang pantayan. Maganda, sexy at matalino. At higit sa laha---.

Napatigil ako sa inside self monologue ko ng makatikim ako ng batok kay Macy, "aray! Bakit ka ba nambabatok dyan?!"

"Natatanga ka na naman kasi! Ano nagmo monologue ka na naman sa isip mo? Kilala ko yang ganyang expression ng pagmumukha mo. Alam na alam ko yang ganyang look"...

It Started With A LieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang