Chapter 8

7.7K 277 12
                                        

My co-teachers and I were talking about our yearly out reach program. Hindi pa man kami nagkakaron ng sariling center tulad nitong CLC ay madalas na kaming sumasali sa mga programang may kinalaman sa mga may special needs na mga bata. Since college days pa lang may grupo na kaming kinabibilangan para mag out of towns upang makapagturo sa mga baryo na may pinaka mahihirap na mamamayan at mangalap ng pamilyang may mga anak na special child..

Hindi lang yung mga bata ang tinuturuan namin, maging yung mga magulang at kaanak na willing pag aralan kung paano ihahandle ang kalagayan ng mga anak nila ang isa pa rin naming tinatalakay para sa ganitong programa. Meron ding feeding at medical na kasama yun..

Since kailangan ng malaking budget para sa ganito, madalas sa kaniya kaniya naming bulsa nanggagaling ang pondo. Naghahanap na lang kami ng mga volunteers para mas mapadali ang aksyon. Every year, inaabot kami ng isang buwan sa isang lugar. Palipat lipat lang kami ng mga brgy. Last year, sina Jane at Karl ang namuno ng program kasama ng iba pang volunteers. So ngayong taon kami naman ni Lanie ang nakatoka..

Ang bayan ng Makabungkay sa Davao ang napili ng Global Child's Supporters or GCS na kinabibilangan namin..we also have foreigner members from different countries. Since sunod sunod na calamity ang nangyari all over the world, nahati yung pondong nakalaan namin para sana sa out reach na isasagawa namin next month. Kulang na kulang pa yung mga vitamins at mga first aid kit na ipamimigay namin,.

"So ano na? May balita na ba na magdo donate sa mga politiko?" Tanong ni Karl. Ipina abot na kasi namin gobyerno ang aming adhikain..ilang beses na ring na feature sa tv ang mga programang ginawa namin in the past kaya umaasa kami na may mabuting puso ang makaka isip na mag donate man lang kahit isang box na gamot..

"Negative dude, kahit nga yung personal na naming pinuntahan para makahingi ng konting donasyon hanggang ngayon wala pa rin", naiiling na sagot ni Lanie..

"Ano naman kasing aasahan natin sa mga politikong yan? Sa pangangampanya lang naman magaling sa pangako ang mga tinamaan ng kulog na mga yan, pero sa oras na nakaupo na, sa pagnanakaw na ng kaban ng bayan ang pinagkaka abalahan".. singit ko, a bit bored and tired na rin. Past seven na kasi ng gabi pero hindi pa rin kami natatapos sa pagmi meeting..

"Bakit hindi na lang natin punan kung ano yung kulang sa project na to kasi ganun din naman kalalabasan nito sa ending" sabay sabay silang nagtinginan sa akin.

"Ayan naman pala, guys sagot na daw ni Raven kung ano man ang kulang" si Jane..

Nanlaki ang mata sa sinabi nya at dali daling umapela, "hoy, anong sagot ko? Ang sabi ko natin hindi ako lang!"

"Hay naku Ravena Marie, kayang kaya mo na yan, sa ating lahat ikaw ang mayaman kaya wag ka ng mangdamay. Besides, charity naman ito",

Nagkaisa na silang ako na talaga ang magdonate ng mga kulang na gamot at pagkain..inaasar pa ako na ilabas ko na daw ang cheque. Para matapos na lang, sumang ayon na lang ako sa pambubuyo nila na ipinagbunyi naman nilang tatlo..tsk.

Naiiling na lang na isinulat ko na yung amount na ibibigay ko at pinirmahan ito bago ko ibinigay kay Lanie. Sya kasi ang magaling pagdating sa pamimili.

"Whoa, 1M? Seryoso ka ba dito?" Halata ang gulat sa mukhang tanong ni Lanie..

"Mukha bang joke yan? Kung di kayo makapaniwala babawiin ko yan", kunyare ay banta ko.

"Ikaw naman bunso, syempre nagulat lang kami. Ang galante mo talaga. Bakit hindi mo na lubusin? Ilibre mo na din kami ng dinner.." birong ganti din ni Karl na sinigundahan naman ni Jane.,

"Tse! Sa charity lang ako galante, magsiuwian na nga tayo at baka nagbigti na yung alaga ko sa bahay",

"Alaga?" Confused na sabay sabay pa nilang sambit.

It Started With A LieOnde histórias criam vida. Descubra agora