Raven's POV
I'm not sure if the decision I made was right. Nakakaramdam ako ng pangamba pero at the same time, I felt happy somehow. Nangangamba ako na baka at the end of it, masaktan na naman ako. Masaya kasi unti unti ko ng naka-conquer yung fear na papasukin sya sa puso ko. Hay ang gulo ng utak ko. Basta parang may malaking batong nawala sa dibdib ko nung time na napagdesisyonan ko ng bigyan si Shannon ng chance. Speaking of the she devil, ang sarap nyang pag masdan habang nakikipag laro sa mga bata. Huling araw na namin ngayon dito sa Makabungkay kaya chill na lang kami. Mamaya magkakaroon ng konting salusalo para farewell party sa mga nakasama namin dito..
Natawa ako nung nagkekembot na si Shannon. Hindi naman ako kalayuan sa pwesto nila kaya dinig na dinig ko yung inaawit nila, I heard something like "bubuka ang bulaklak papasok ang reyna, sasayaw ng chacha ang saya-saya", but instead of dancing in a chacha way nagkekembot sya habang pumapagitna sa loob ng circle na ginawa ng mga bata habang magkakahawak ng kamay.
"Hindi bawal kumurap." Napalingon ako ng marinig ang tinig na yun sa likuran ko. Si Lanie pala.
She handed me the juice she brought and with a teasing smile she said, " magpalamig ka muna para naman hindi matuyo yang lalamunan mo habang pinagmamasdan sya ng punong puno ng pag ibig sa iyong mga mata."
I scoff with a laugh before answering her, "I don't know what you're saying. I was just looking at the children, they looked so entertained and seem to be enjoying the game they were playing".
She gave me a knowing look kaya mas natawa ako. Am I that transparent?
"She seems ok to me Ravs, her persona is very jolly. Medyo childish at her age but judging by the look you are giving her, I can see that she's doing well. And you know naman how we act as your friends towards with the....women you are falling in love with..as long as happy ka happy na din kami para sayo. Basta tandaan mo lang lagi na andito lang kami. You have our support no matter what decision you make in life".
Tagos sa puso ang mga sinabi nya kaya medyo na teary eyed ako. Medyo guilty din kasi naalala ko yung mga panahong inaway away ko sila dahil lamang sa maling taong minahal ko.
"Women? Para namang ang dami kong minahal" I said smiling. "Thank you. For always being there for me. Hindi nyo ako sinukuan kahit nung mga times na pinagtabuyan at pinagdudahan ko yung friendship nyo sakin."
She pat my back," we love you like a sister, hindi namin basta basta na lang itatapon ang ilang taon na pagkakaibigan natin just because you fell in love with the wrong person, we know na darating yung time na matatauhan ka din and we're right. You came back to us crying and with mucus slipping out of your nose while saying how sorry you are"...
"Haha nyemas ka, ok na eh sinamahan mo pa ng mucus slipping out of my nose na yan!"..
"Gaga ang cute mo nga nun" nag flashback sa isip ko yung mga panahong yun at nagkatinginan kami sabay tawa ng malakas.
Salusalo
Nagkakagulo ang lahat, ang ingay ingay namin habang kumakain pero sobrang saya. Puro tawanan, tunog ng kubyertos at kwentuhan ang maririnig. May videoke pa kaming nirentahan para after kumain magkakantahan naman habang umiinom ng tuba. Trip ata nilang magpakalasing muna bago umuwi.
"Barbeque for your thoughts?" Pag tingala ko may nakaumang na BBQ sa mukha ko si Shannon. Sumiksik sya sa tabi ko kasi puno na yung bangkong inuupuan ko. "I was looking at you over there and parang ang layo ng iniisip mo so nilapitan na kita para hindi mo na ko isipin pa"
"Sus kinabag ka na naman. Dun ka na nga sa pwesto mo" pagtataboy ko sa kanya.
"Sus din, pakipot ka na naman, mas gusto ko katabi ka. Lalo ako ginaganahan kumain lalo na kung natatanaw ko yang--" tumitig sya sa may gawing dibdib ko, "maganda mong mukha" dugtong nya sabay kindat..
Napatingin naman ako sa dibdib ko sabay hila pataas. Loose na vneck kasi yung suot ko kaya medyo dumudungaw ang cleavage pag gumagalaw ako pero peste kung hindi naman papansinin ay hindi naman kapansin pansin. Manyakis lang talaga ang babaeng to..
Tiningnan ko sya ng masama "what?" Painosenteng tanong pa ng gaga..
"Kumain ka na nga lang dyan kung ayaw mong makatikim ng--"
"Talaga ipapatikim mo na yan?. Uy gusto ko yan". Sabay tingin na naman nya sa dibdib ko..
"Pisti manahimik ka nga!" Pabulong lang pagkakasabi ko at baka madinig kami ng mga katabi namin..
Sa inis ko tumawa lang sya, ang dumi daw ng isip ko. Yung leche flan daw na nasa plato ko yung tinutukoy nya. As if!
Ako na lang ang nanahimik at itinuloy ang pagkain. Napaka kulit nya, lakas mang asar ngayon pa lang, pano pa kaya kung kami na? Jusme baka puro pang aalaska abutin ko sa babaeng to..
"Raven?" Tawag nya sakin sabay kalabit.
"Ano ba? Kumakain ako manahimik ka". Hindi tumitinging sagot ko..
"Raven..." Tawag na naman nya.
"Ano ba? Kulit mo."
"I love you"..
Pabulong lang yung pagkakasabi nya pero bakit parang nabingi ako? Ang lakas ng kabog ng puso ko na parang nasu- suffocate ako na hindi ko mawari.
"Naks, speechless. Kinilig ka no?" Tease nya kaya nakabawi ako..
"Tse mo, kumain ka na lang dyan" sagot ko na lang sabay subo ng kanin pero hindi ko pa din napigilang sumilay ang ngiti sa akong mga labi. Oo na. Aamin na. Kinilig ako!
YOU ARE READING
It Started With A Lie
RomanceShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...
