This = Love

2.2K 29 4
                                    

PROLOGUE:


“Hi, mahal!” bati ng isang babae na papalapit kay Manny. Nakasuot ito ng tube at micro mini skirt. Bakit hindi na lang siya maglakad sa kalsada ng nakahubad? Nagdamit pa kung ganyan din naman ang isusuot niya.

Agad naman sinunggaban ng halik ni Manny ang babae. Ano nga ulit ang pangalan niya? Sa dami-dami ng babae na dumaan kay Manny, hindi ko na matandaan kung ano ang mga pangalan nila.

“’Tol, ano nga ba ulit pangalan niya?” usisa ko dito bago ako lumagok sa bote ng beer na hawak ko. Nasa isang maliit na restobar kami ngayon at nagdidiwang dahil nakadali kami ng malaki.

“Ano ka ba naman ‘tol? Makakalimutin ka na ba? Siya si…” Kita niyo na? Kahit siya, hindi na niya matandaan ang pangalan ng kasama niya ngayon.

“Si?” pangugulit ko dito. Hahaha! Patay ka Manny kapag hindi mo nasagot ng tama.

“Si D-Dessa. Tama?” ibinaling niya ang tingin niya sa sinasabi niyang Dessa. Ngumiti ng mapakla ang babae at saka tumayo sa upuan na katabi lang ng kay Manny.

“Hindi ako si Dessa! Ako si Brina! Dyan ka na nga!” tinalikuran na kami ng babae at lumabas ng restobar.

“Walanjo ka talaga, Hunter! Nawalan pa ako ng babae ngayon!” inis na sambit nito sa akin sabay suntok sa braso ko.

“Bakit? Ano bang ginawa ko ‘tol? Tinanong ko lang naman ang pangalan niya. Malay ko bang mali ang isasagot mo.” Hahaha! Sa totoo lang, ilang beses na ‘yan nawalan ng babae dahil sa akin. Kahit naman mawalan ‘yan panigurado, may reserba ‘yan.

“Taena talaga!” napamura siya habang hawak nito ang cellphone nito.

“Ano na naman ang problema mo?” tanong ko dito.

“Naubusan ako, ‘tol. Naubusan ako ng babae. Makapaghanap nga sa susunod na linggo.” Sabi sa inyo eh. May mga reserba ‘yan, naubusan nga lang ngayon.

Iniling-iling ko na lang ang ulo ko sa kanya. Hindi ko naman problema kung wala na siyang babae. Ang iniisip ko ngayon ay ang mga kapatid ko. May ipangbabayad na kami sa tuition nila.

“Ikaw naman kasi, Hunter. Bakit ba wala ka pang girlfriend?” sabat ni Paeng. Girlfriend? Tsss.

“Hindi ko kailangan niyan. Dagdag-problema lang ‘yan.” Diretsong sagot ko dito bago tumungga ng beer. Oo, iyon ang tingin ko sa mga babae ngayon. Hindi ko na kailangan pa ng isa pang proproblemahin. Pamilya ang priority ko at hindi ang girlfriend.

“Nasasabi mo lang ‘yan ngayon ‘tol. Pero kapag nakatikim ka na, panigurado ako, hahanap-hanapin mo.” usal ni Manny. Puro kaberdehan naman ang laman ng utak nito.

“Huwag mo ako itulad sa’yo, Manny.” Iniling-iling ko na lang ang ulo ko. Ang totoo? Wala pa akong naging girlfriend. May mga niligawan ako pero sa dami ng problema ko, hindi ko na sila kayang pagtuunan ng pansin kaya tumitigil din ako panliligaw.

“Sayang naman ‘yang kagwapuhan mo, ‘tol. Ang dami-dami ngang humahabol sa’yo, pero wala ka naman pinapansin ni isa.” Puna nito. Wala talaga sa isip ko ‘yan ngayon.

“Hindi pa kasi nakakahanap ng katapat ‘yan. Makikita niyo, isang araw, may babae nang kasama ‘yan si Hunter.” Turan ni Paeng.


“Katapat? Sinasabi ko sa inyo, matagal pa bago mangyari ‘yan sinasabi niyo.”

This = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon