“I love you..” iyon lang ang nasabi ko sa kanya.

“I love you more, Mrs. Kim. Namiss ko yang ‘I love you’ mo ah?” May halong tampo yung pagkakasabi niya nun. And it’s true, simula nung pinagselosan ko si Jhaynie, hindi ko na siya sinasabihan nun. Pero siya, walang palya. Kapag magkausap kami pinapaulanan niya ako nun.

“Sorry,”

 

“Bakit?”

 

“I was jealous. Nagseselos ako kapag kasama mo si Jhaynie, nagseselos ako kapag nasasarapan ka sa luto niya. Pati kapag pinupuri mo siya. Kaya nga naiisip ko, may gusto ka na sa kanya kasi bukambibig mo siya.” Pag-amin ko.

“Kaya pala ang lamig mo sakin. Franj, I’ll tell you this. Wala akong gusto ay Jhaynie,walang makakapantay sa’yo. Tandaan mo yan. I love you so much to stare at the other girls. Tigilan mo na yang pagseselos mo na ‘yan ah?”

 

“Yes po.” Nginitian ko siya. Good thing, we’re okay now.  Mabuti na yung inopen ko sa kanya ‘to kesa sa pinatagal ko pa, siguro kung ganun man, baka iba-iba na ang naiisip ko. Baka lumala pa ang sitwasyon. Siguro talagang dapat ko ng tigilin yung pagiging doubtful ko sakanya. I must put my 100% trust on him.

Kinabukasan, tumambay kami sa X-room. Nandun din yung ibang M pwera si Luhan. Sa k naman, sina Suho at Kai ang wala. Nakaklungkot lang kasi hindi namin kasama si Ember, pero ewan ko kay Dyo, parang okay lang sa kanya yung pagbbreak nila ni Ember.

Si Muecan, babad na naman sa cellphone at halatang naiins sa mga nagttext sa kanya kaya’t nilapitan ko siya.

Napano ka?” Imbes na sagutin niya ako, pinakita niya sakin yung inbox niya na puro texts ng mga unregistered number at ang laman ng message nila:

‘Hi Tao. Si Geneva ‘to. Save mo # ko ah? Xoxo’

‘Hi, Tao. You don’t know me if you’re curious, text me ;)’

‘Tao, you’re so hot. Meet me at 7star hotel, I’ll wear red dress. Mua’

‘Tao, bakit di ka nagrereply? Ynna ‘to.’

And there goes the other texts na nakakainis basahin dahil puro kalandian. Naawa ako kay Muecan kaya’t kinuha ko yung phone niya at pinuntahan ko si Tao na kausap si Chen.

 

“Hoy Tao. Anong problema ng mga babae mo bakitt kay Muecan sila nagtetext?” pinakita ko sa kanya yung cellphone ni Muecan, tiningnan niya naman ito at iniscroll yung inbox ni Muecan.

“Dami ah?” komento ni Chen na nakikiusyoso.

“Alam mo bang naaasar na si Muecan sa mga iyan? Dapat sayo nagttext ang mga yan hindi sa kanya.” Hindi nagsalita si Tao kaya tumingin siya sa gawi ni Muecan na nakatingin din sa kanya buti nalang at busy ang iba kaya di kami napapansin.

365 Days with EXODonde viven las historias. Descúbrelo ahora