Chapter 14

973 34 6
                                    

For the meantime, siya muna yung pangalan nung ex-girlfriend niya Luhan. Arasseo?

Chapter 14 ~

“Natulog lang siya, pinagpalit mo na agad?”

 

Sa sinabing iyon ni Kai, bakas sa mukha ni Luhan ang pagkainis, napansin kong namutla din ito.

Sinong natulog?

Kumuyom ang mga kamay ni Luhan at umambang susuntukin ang nakangising si Kai. Buti at napigilan ko agad siya. Tungkol saan ba ang pinag-uusapan niya?

Natulog? Pinagpalit?

Ngumisi si Kai, “Guilty lang, ‘pre?” Tanong ni Kai saka umiling at dahil nga hawak ko si Luhan ay hindi niya ito masugod.

Ano bang pinagsasabi nila?

Umalis na si Kai. Ganun pa man ramdam ko pa rin ang inis na bumabalot kay Luhan. Tiim-nagang itong nagpatuloy sa paglalakad, ako naman ay sumusunod lang sa kanya. Kung kanina’y walang space sa pagitan naming dalawa, ngayon ay may isang hakbang na ang layo niya sa akin.

Nilabas niya ang cellphone niya, parang may tinetext siya. Gusto kong malaman kung sino yung katext nia pero di ko makita kasi nga malayo siya.

Nung nasa may harap na kami ng library ay huminto siya, I did the same.

“Aalis muna ako.” Paalam niya sa akin. Bago pa man ako nakapagsalita ay tumakbo na ito, parang nagmamadali. Why is he acting strange? Ang ayos lang namin kanina ah? Di kaya dahil yun sa sinabi ni Kai?

Who is he pertaining? Di kaya yung ex niya? OMG!

I was sent back to reality when someone clung unto my neck.

“Huli ka balbon!” Sabi ni Finella.

“Natakot kami dun ah? Kala namin di ka naman mahahanap agad, nakakatakot kayang mag-utos si Lu—“Finella cut Cheyenne off.

“Tara na Franj. Hinihintay ka na nila K-La sa field, picnic daw tayo dun, pinagbaon niya tayo ng lunch.” Finella said.

Hinila ako nung dalawang makulit papuntang field, talak ng talak si Cheyenne, pero lagi siyang binabara ni Finella.

Habang naglalakad kami, nakapahinto ang dalawa.

“Si Dyo yun diba?” Tanong ni Chey. Tumingin ako sa direksyon ni Dyo.

“Ang cute talaga ni Dyo!” Tili ni Finella.

“Landi neto.”  Bulong ni Cheyenne pero narinig namin ito.

365 Days with EXOWhere stories live. Discover now