Chapter 20

744 18 5
                                    

At dahil bago na ang aking bias.. here’s his POV :”) Say hi to his bangs, guys. Lol pero UB ko padin si Sehun, di ko alam sinong UB ko </3

Chapter 20 [DYOSA]

BAEK HYUN’S POV

Hugging Frangeline is not enough for us to thank her, words alone aren’t much to express how grateful we are to her. Dahil sa kanya nagiging isa na kami ulit. Siya lang ang nag-iisang naglakas-loob na makialam samin, kaya tuwang tuwa ako sa kanya. Bibihira lang ang mga babaeng matapang, yung iba kasi pagpapacute lang ang alam. When she took a step entering our world, lahat na sumunod. It only takes a Frangeline Jang to make a change. Only Frangeline Jang.

Ayaw kong humiwalay sa kanya simula nung nakita ko siya nung first day ng school fest, ewan ko parang hiyang niya yung napipilay, gumanda kasi siya lalo. Kaya ngayong second day, pinasyal ko siya sa school. Sumakay kami ng mga rides, take chances na ‘to habang wala pa si Kai. Pag kasi si Kai na ang kasama ni Franj, di mo na makausap ang dalawa, parang may sariling mundo.  Ayos lang naman kung sila, kasi walang sabit si Kai, di tulad kay Luhan, pinagsasabay sila. Nakakainis yung lalaking yon, parang mauubusan ng babae eh mukha namang babae.

“San mo gustong sumakay?” tanong ko sa kanya habang nagpapahinga kami sa bench.

“Pahinga muna tayo bebe. Kapagod!” sabi niya sabay punas sa pawis niya.

“Sabi mo eh,”

Bebe. Yan ang tawag niya sakin. Medyo giddy ako kapag tinatawag niya akong ganun, ikaw ba namang isang FRANGELINE JANG ang tumawag sayo nun, di ka kikiligin kahit lalaki ka?

Pinaalala namin kay Franj na huwag muna siyang maglaro, tutal kaya naman nila yung mga kalaban nila eh, saka nalang namin papaglaruin si Franj kapag mahigpit na ang laban. Baka kasi mapano siya agad.

Maya-maya pa, dumating na si Kai, kinuha na niya si Franj sakin. Nagpaalam na silang dalawa saka umalis. Simula nung dumikit si Kai kay Franj, nag-iba na ang mood ni Kai, kita mo, di na siya laging mainit ang ulo, hindi na rin puro black ang sinusuot niya kaya nakigaya na rin kaming mga EXO-K at sina Umin-hyung kaya ngayon malaya na kaming makakaporma, di yung magbblack ka palagi masabihan ka lang na hoodlum. Damang dama ko na talaga ang freedom of expression.

Pero kahit nag-iba na ang porma namin, di mo pa rin maaalis sa iba na ang takot nila samin, medyo nabawasan na nga ang mga takot lumapit samin mula kahapon. Nitext ko si Chanyeol para naman may kasama ako.

Ako: Yeol, san ka?

Maya-maya ay nagreply na siya.

Yeol: Sa puso ni Jhen ko.

Ul*l neto. Tenga pa lang niya ang laki na, siya pa kayang ipasok sa loob ng puso ni Jhen? Baliw na ‘to. Tetext ko sana si Suho kaso siguradong kasama na naman niya yung linta niyang syotang si Euleen, si Dyo kaya? Tss. Baka kasama niya si Ember. Imposibleng mahila ko naman si Sehun sa pagsstalk niya kay Erin, loko kasing Sehun, masyadong takot sa ate niya! Naku naman! Forever alone, Baek hyun!

365 Days with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon