Chapter 3: The Beginning of Curse

Start from the beginning
                                    

:Liliphim
:Moskov
:Terqui Van
:Zanther

7. Ursua Zetharius

Divided by Three Kingdoms;

:Hephaesto
:Domoloir
:Xue' Vertu

Saglit akong natigilan sa nabasa. Ito palang ang aking nabasa pero halos mabaliw na ako. And I realized, na ang kanilang imperyo ang pinakamaliit sa lahat. Ang imperyo nina Hiro.

Napamasahe ako sa aking sentido. 'Diko inakalang mababaliw ako sa kakaisip ng ganito ka aga.

Pumikit muna ako at nag-isip saglit. Base sa mga alaala at katalinuhan ni Tomoki napabilang ang mansyong ito sa imperyo ng Selaris Mestija na ikalawa sa pinakamalawak na imperyo sa Vampiric Auras. Kung ang imperyo nina Hiro ang pinakamaliit sa lahat, iisa lang ang ibig sabihin nito. Ang kanilang imperyo ang pinakamalayo sa lahat.

Kung maglalakbay ako aabutan pa ako ng ilang taon.

Napabuga ako ng hangin. Ganito pala kahirap ang pinasok ko.

Hindi ko muna iniintindi kung gaano ako mahihirapan sa mga sitwasyon. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.

May iba't-iba pang impormasyon ang aking nakuha tungkol sa iba't-ibang imperyo. Kung ano ang klaseng mga nilalang ang meron dito. Kagaya na lamang sa Misos Ebrehil na ikaapat sa pinakamalawak na imperyo. Dito ang main place ng mga mangkukulam. Malakas ang aking kutob na dito matatagpuan si Lumina. She's one of those witches if I'm not mistaken.

May iba't-iba ring kultura, tradisyon, paniniwala ang mga bampira sa mundong ito. Isa na dito ang pananamit.

Kung sa Selaris Mestija ay parang pang Japanese sa Meracco Esto naman ay parang pang American. Kumbaga parang mga bansa lamang ang mga imperyong meron dito.

Hanggang sa mapagod ako sa kababasa. 'Diko namalayang nakaidlip ako.

"Mahal na prinsesa..." na alimpungatan ako nang may humawak sa aking kamay. Ge Chen?

"Bakit po kayo natutulog dito?" may pag-alala sa kanyang mga mata, "Hinahanap po pala kayo ni Concubine Therese."

Awtomatiko naman akong napaupo ng maayos. That bitch! Siguro gusto niyang malaman kung makaka-kape na ba siya kung nagkataong patay na ako, pero siyempre dahil iba ang paniniwala nila sa mundong ito siguro ilalagay niya ang bangkay ko sa kabaong at susunugin para maging abo. Hahaha!

"Bakit po kayo nakangiti?" gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Ge Chen habang nakatitig sa akin.

"May naisip lang ako..." saka ko nginitian siya, "Anyway, gusto ko rin siyang makita. Halika na samahan mo ako!" Agad na akong tumayo at bago ako lumabas sa pintuan ay ibinalik ko muna sa shelves ang mga nakuha kong libro.

Curse Resurrection (Complete)Where stories live. Discover now