Ending

6.3K 134 16
                                    

A/n: So, ito na yung ending. Sana hindi kayo mabitin. Sa wakas at matatapos na din itong story.

Salamat sa pagsuporta hanggang dulo.

Zechariah's POV

"Anak huwag kang umiyak! Masisira make up mo" suway sakin ni mama habang inaayusan ako ng mga bakla na sila Lesly at Sam. Remember? Sila rin yung nag ayos sakin last five years at nakakamanghang naalala pa rin nila ako. "Mauna ako anak ah. Ito tissue, punasan mo yang luha mo bago masira sang hindi pa natatapos mong make up" sabi ni mama at ibinigay sakin yung tissue. Nginusuan ko lang siya bago siya lumabas ng kwarto.

Ewan ko ba! Hindi ko mapigilan maging emosyonal ngayon. Hayst!

"Ano ba yan teh! Kung hindi ka lang maganda baka jinombag na kitech" maarte sabi ni Lesly na pilit akong minemakeapan.

"Subukan mong jombagin yan bakla at baka ito na ang huling araw mo" biro ni Sam.

"My ghad bakla! Type mo si Zec?!"

"Chaka! Ang ibig sabihin ng beauty ko ay baka ikaw ang jombagin ni papa Kly"

Natawa naman tuloy ako sakanilang dalawa. Pinilit kong huwag umiyak para hindi naman sila mahirapan sa pagmemake up sakin.

"Mommy! Mommy!" masayang tawag sakin ni Klyriah. Ngumiti lang ako sakanya sa repleksyon niya sa salamin dahil inaayusan pa ako ng mga bakla at hindi ako makalingon. Ang ganda niya sa sout niya. White dress na pinartneran ng with shoes. Naka braid ang buhok niya na pinatungan ng flower crown saka siya may hawak na basket na may lamang petals.

"Wow baby! You look gorgeous" puri ko sakaniya habang nakatingin sa salamin.

"May junak ka na teh?!" Gulat na tanong ni Lesly na nakatingin rin sa repleksyon ko sa salamin.

"Oo eh" sagot ko.

"Wow! Ang beauty ng jonak teh" puri ni Sam na nilapitan pa si Klyriah at kinausap.

"Mommy, Daddy is already on the church na po" she said pagkatapos siyang kausapin ni sam. Kaya naman minadali na ng dalawang bakla na ayusan ko. "You look pretty po" sabi niya na nasa gilid ko na pala at tinititigan ako.

"Thank you baby" I said and smile.

Ilang minuto pa ay natapos na ang pag aayos sakin kaya tumayo na ko at tinitigan ang sarili ko sa malaking salamin. Hindi ko tuloy maiwasang maluha. Nagiging OA na ako ah.

"Mommy let's go" Klyriah said and hold my hand.

Sumakay na kami sa kotse. Kaming dalawa lang ang nakasakay dito dahil nauna na sila Mama at Papa. Yung dalawang bakla naman syempre invited rin sila at nasa kabilang sasakyan sila.

Tahimik lang ang naging byage namin papunta sa simbahan dahil hindi masyadong nagsalita si Klyriah.

Pagkarating namin doon, humalik muna sakin si Klyriah bago siya naunang bumaba.

Napakaraming tao sa loob at labas ng simbahan. Pati narin mga photograpers pati si Klyriah ay kinukunan nila ng litrato habang naglalakad siya papalapit sa mga lola niya. Kahit na nakasara ang bintana at pinto ng kotse at panay ang kuha nila ng litrato sakin. Daig ko pa tuloy ang artista! Sa bagay, what do you expect to the billionaire?

Nakita kong kumaway sakin si Althea kahit na hindi niya ako nakikita sa loob dahil tinted ang sasakyan siya ang bridesmaid at si Klein naman Bestman.

Nagsipila na sila hudyat na magsisimula na kaya medyo kinabahan ako at nanlalamig ang mga palad ko.

Nang matapos na silang lahat sa paglalakad ay sinarado na ang pintuan ng simbahan at pinalabas na ako ng kotse. Inayos ko muna ang trahe de boda ko saka naglakad sa tapat ng pinto hawak ang bulaklak. Inalalayan pa ako nila Lesly at Sam.

The Billionaire's Maid (Under Editing) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن