Chapter 46

2.8K 65 2
                                    

Chapter 46: The Truth
.
.
.
.
.
.
.
Klaire's POV

"Ako yung kasama mo ngayon pero iba naman ang nasa isip mo" napatingin ako kay Heize ng bigla niyang banggitin yun. Sa tono niya, parang nagtatampo siya.

"Sorry" yun lang ang nasabi ko saka sumimsim ng kape.

"Kanina ka pa tulala. Ano bang iniisip mo?" tanong niya.

"Nagkaroon kasi ng problema sa kompanya namin" malungkot na sabi ko.

"Huwag mo munang problemahin yan. Focus on your study at alam kong kaya na yan ng kuya mo" sabi niya habang nakangiti.

"Alam ko, pero ang inaalala ko ay si Kuya. Lalo na't may dumating ng impostora. Baka madistract lang siya"

"Impostora?" takang tanong niya. "Sino?"

"Yung girl na secretary ni kuya!" pasigaw kong sabi dahilan para makuha ko ang antensyon ng iba pang mga costumer at yung mga ibang tao dinadaanan kami dahil sa nasa labas kami ng coffee shop.

"You know what? I have a feeling about that girl. Hindi ko lang alam kung ano" napapaisip na sabi niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"You're in love with her" sabi ko at inarapan ko siya.

"Pfftt. Hahaha. Pano mo nalaman?" tumatawa niyang sabi dahilan para lalo pang kumunot ang noo ko at humaba ang nguso ko.

"Ahh... Ganon? Pati ba naman ikaw naloloko ng impostorang yun?" inis na sabi ko. Habang masamang nakatingin sakanya.

"I think, hindi siya impostora" seryosong sabi niya pero hindi parin maalis sakin ang pagka inis sakanya. "Kung impostor man siya, bakit kamukha ng kuya mo ang anak niya?" napapa-isip na sabi niya kaya hindi ko rin maiwasang mapa-isip. He had a point. "There's a possibility na yung Secretary ng kuya mo ay si Zec. Besides hindi naman napatunayan na yung babaeng naaksidente ay si Zec" dagdag pa niya.

"Hmm... Yeah. Masyado kasing nasunog ang mukha ng babaeng yun para makilala. Ang tanging nagpapakita na si Ate Zec yun ay yung sing sing na nasa kamay niya. Ang sabi ni Kuya, yun daw yung sing sing na niregalo niya kay Ate Zec nung birthday niya" suhestyon ko, habang nakahawak pa sa baba na parang nag iisip talaga. Naging tahimik kaming dalawa na parang nag iisip ng paraan para mabuo ang puzzle na isa isang nawala yung pieces.

"I have an idea!" biglang sabi niya na para may umilaw na bumbilya sa ulo niya. "What if puntahan natin yung mga magulang ni Zechariah. Sila lang ang nakaka-alam kung buhay ang anak nila" sabi niya na agad ko naman sinang-ayunan.

Zec/Rhianne's POV

~ I'd climb every mountain🎶

~Swim every ocean 🎶

~just to be with you 🎶

~and fix what I've broken 🎶

~ohh, cause i need you to see 🎶

~and you are the reason 🎶

Nagising ako dahil sa isang kantang kailan man ay hindi ko malilimutan. Ang kantang nagpapabalik na sakit sa aking dibdib. Ang kantang nagpapaalala ng lahat ng nangayari noong nakaraang limang taon. Ngunit ng bumukas ang mga mata ko, doon ko lang nakita na wala ako sa bahay namin o sa condo.

Tumayo ako at tinignan ang kabuoan ng kwarto kasabay ng pagtugtog ng piano at pagkanta ng isang pamilyar na boses

Lumabas ako ng kwarto para mas lalong marinig ang kanta. At dun ko lang napagtanto na nasa mansyon ako ng mga Davis.

The Billionaire's Maid (Under Editing) Where stories live. Discover now