Chapter 30

3.3K 61 0
                                    

Chapter 30: Her Birthday
.
.
.
.
.
.
.

Klystron's POV

"Ah. Ganon ba? Sige e-enjoy your date"

*gulp*

"Wait Zec! Let me ex---"

*toot... toot... *

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla na niyang ibinaba ang tawag. Inilibot ko ang patingin ko sa restaurant kung nasan ako ngayon para makita ko kung nasan si Zec. Hanggang sa makita ko ang isang itim na kotse na nasa tapat ng restaurant. Kahit tinted ang kotse naaaninag ko ang isang babaeng nakatingin sa direksyon ko. Kaya naman napatayo ako bigla dahilan para magulat ang nasa harapan ko pero yun din ang pag andar ng kotse niya at bumarurot paalis.

Shit! What I'm going to do!?

"What's the matter?" Takang tanong niya.

"Nagalit siya" tipid na sagot ko.

"Huh? Bakit?"

"She thought na may iba akong babae. Nakita niya yata ako dito" alalang sabi ko.

"Bakit hindi mo sinabing ako ang kausap mo" sabi niya. Siya kasi yung designer ng venue kaya hindi ko pwedeng sabihin.

"Hindi pwede"

"Okay. Take your seat muna. Tapusin na muna natin ito bago mo ayusin ang sa inyo ng girlfriend mo" sabi niya. Tumango naman ako. Naiintindihan ko siya kung iisipin ko ang problema ko ngayon kay Zec. Masisira ang lahat. Aayusin ko nalang ito bukas.

Habang kumakain kami inumpisahan na rin niyang magsalita. May mga ibinigay siyang magazines sakin. Nandun daw ang mga picture na pwede niyang gawin sa venue kaya nag umpisa na akong pumili. Pumili lang ako ng pumili at siya naman ay nag sasuggest ng mga kung ano ano. Hanggang sa matapos na rin kami.


***KINABUKASAN***

Zechariah's POV

Masakit ang mga mata ko pagkagising na pagkagising ko. Ramdam ko na rin mabigat din ang ulo ko. Kahit na hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko pinilit ko paring tumayo dahil kailangan kong pumasok ngayon.

"Okay ka lang ba anak?" Tanong ni mama. Pagka babang pagka baba ko.

"Opo. Medyo masakit ang mata ko dahil tinapos ko pa po yung mga projects ko" pagsisinungaling ko. Ang totoo nga nyan hindi ko nagawang gawin ang mga projects ko dahil sa nangyari kagabi.

"Ah sige. Kumain ka na muna bago ka maligo" sabi ni mama. Sinunod ko naman yung sinabi niya.

"Good morning pa" bati ko kay papa na nakaupo sa sa hapag kainan habang umiinom ng kape.

"Good morning anak" ngiting niya at bumeso sakin.

"O? Anong nangyari sa mata mo?" Tanong niya. Kaya naman sinabi ko rin sakanya yung sinabi ko kay mama. Effective naman siguro yung palusot ko dahil hindi na sila nagtanong pa. Hanggang sa matapos na rin akong maligo at medyo okay na rin ang pakiramdam ko kaya pumasok na ako sa LIA. Hinatid ako ni Papa hindi naman ako nag eexpect na pupuntahan pa ko ni Kly dito.

Pinili niya ba talagang makasama yung kasama niya kagabe? Ni mahatid ako sa LIA hindi niya ginawa. Nakakatampo lang.

Pagdating ko sa LIA syempre bulungan here, bulungan there, na kung bakit hindi ko raw kasama si Kly. Syempre, may iba na! May mga masasayang nag chichismisan rin dahil sign na raw ang pagdating ko sa LIA na hindi ko kasama si Kly. Break na daw kami. Well parang ganun na rin naman:) Tanggap ko na lahat ng nangyari kagabe. Tanggap ko na rin na maski isang text hindi niya ako tinext kahit na nakita niya ako kagabe. Masakit man isipin pero pilit ko paring tinatanggap.

The Billionaire's Maid (Under Editing) Where stories live. Discover now