Chapter 52

3.5K 60 6
                                    

Chapter 52: he's inlove
.
.
.
.
.
.
.
Klaire's POV

"Tita, Where's mommy?" Klyriah asked habang kumakain kami.

"She's with your dad" sagot ko naman saka sumubo ng steak.

"What are they doing?" tanong pa niya. Kapag talaga nagtanong ang batang ito hindi pwedeng wala ng kasunod ang mga tanong niya.

"Making your baby brother" dinig kong bulong ni Klyde kay Klyriah.

"Klyde! Can you please shut up? Huwag mong dumihan ang utak ni Klyriah" suway ko sakaniya pero dinalaan niya lang ako saka nagpatuloy na sa pagkain. "They're preparing for you birthday baby Klyriah" sagot ko kay Klyriah na nakangiting tumango sakin.

Actually, next month pa ang birthday ni Klyriah pero kung makapagready at mag rush si kuya akala mo bukas na ang birthday ng anak niya. Palibhasa, first time niyang nag celebrate ng birthday ng anak niya. Well, hindi ko siya masisisi. Kahit naman na ilang taong nawalay sila Ate Zec at Klyriah kay Kuya ay hindi nagbago ang nararamdam niya sakanila kahit na hindi niya alam na may anak siya. Kitang-kita ko kay kuya kung gaano niya kamahal ang pamilya niya. I must say that they're perfect family.

"Baby, tayo? Kailan mo balak magkababy?" bulong na sabi naman ni Haize na sinamaan ko ng tingin.

"Gusto mo ngayon eh" inis na asar ko sakanya.

"Talaga?" ayun! Gustong gusto ng tanga.

"Oo! Basta hindi ikaw ang ama" nakangising sabi ko na ikinasimangot niya.

"Baby naman!" reklamo niya.

"Tumigil ka Heize Carlos! Nag-aaral pa ako! Huwag mong subukan sirain ang kinabukasan ko!" sabi ko saka siya inirapan ulit. Alam kong naririnig nila Klyde at Klyriah ang pinag-uusapan namin nitong isang ito kaya dinig sakanila ang munti nilang hikhikan.

"Ako naman ang kinabukasan mo ah! Bakit ko naman sisirain ang sarili ko?" banat pa niya na nakapagpainit ng pisngi ko. Hayup! Ang galing bumanat ng mokong. "Are you blushing?" asar na tanong pa niya. Kinuha ko ang kutsilyong ginamit kong panghiwa sa steak at itinapat iyon sakanya.

"Shut up or you will say goodbye to the world?" pagbabanta ko nakita ko naman na napalunok niya saka itinaas ang dalawa niya kamay.

"Tita? Are you a killer?" Dinig kong tanong ni Klyriah na may halong takot sa boses niya. "Don't kill Tito Heize please" sabi pa nito.

"Give me a valid reason to not kill this jerk?" i said. Hindi naman maipinta ang mukha ni Heize. Hahaha iyan! Asarin mo pa ako!

"Baby naman! Alam kong mahal mo ko kaya hindi mo ako magagawang patayin diba?" kabadong sabi niya kaya mas lalo ko pang inilapit ang kutsilyo sa leeg niya na ikinaatras niya naman.

"I'm waiting for your reason baby Klyriah"

"T-tita?" kinakabahang sabi niya.

"Huwag mo namang takutin si Klyriah" Suway sakin ni Heize pero hindi ko siya pinansin.

"Klyriah" tawag ko pa sakanya.

"What's happening here?" Halos mamutla naman ako ng marinig ko ang boses ni Kuya na nasa pinto kasama si Ate Zec. Agad namang tumakbo si Klyriah sa daddy niya na kinarga naman ni Kuya. "Klaire! What's with that knife?" agad ko namang ibinaba ang hawak ko kutsilyo. Nakita ko si Heize na nakangisi saka ngumuso sakin. Magtutuos tayo mamaya!

The Billionaire's Maid (Under Editing) Where stories live. Discover now