Chapter 16: 3 AM

53 27 0
                                    

PEONY's POV

Sa huli, hindi na ako pumasok sa first subject. Dumiretso na lamang ako sa dean's office para sabihin na bago lang ako sa eskwelahan at kailangan ko ng guide. Thank goodness I mustered the courage; otherwise, I wouldn't have been able to attend class for the entire day.

So, the guy I met in the hallway wasn't really my classmate. Baka totoo nga ang sinabi niya na nakuha ko lang ang atensyon niya kaya niya ako kinausap, hindi dahil pinagtitripan niya lang ako.

Of course, nagpakilala ako kada subject na pinasukan ko dahil hindi pa naman nila ako kilala at dahil bago lamang ako roon. Good thing na mukhang mabait naman ang mga Prof pero ayokong magpadala roon, karamihan kasi sa mga mukhang mabait na Prof ay nang babagsak.

Break na, pangalawa na 'to ngayong araw. Narito ako ngayon sa cafeteria, solo mag-isa ang isang lamesa na may apat na upuan dahil ako lang mag-isa. Gusto ko i-try makipag kaibigan para hindi naman ako mag mukhang loner, pero wala pa akong lakas ng loob para gawin 'yon. Maybe after one week?

Tahimik lang akong kumakain habang pinagmamasdan ang ibang estudyante, hanggang sa may biglang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

Napataas ako ng kilay nang mamukhaan ang taong umupo ro'n. Dito siya nag-aaral?

"Wow, look who's here~" saad niya, pinapaikot ang kaniyang buhok gamit ang daliri niya.

"Maycee..." sambit ko sa pangalan niya at napaayos ng upo.

She smirked. "Paano ka nakapasok dito? Do you even have enough money to afford the tuition here, or do you rely on a sugar daddy?" she chuckled.

I gulped and forced a smile. "Wala akong sugar daddy, May."

She shrugged, leaning back on the chair. "Oh, come on~ paano ka nakapasok dito kung gano'n? Connections or scholar?"

"You know that I don't have a connection," may diing sagot ko.

"So, you are a scholar." She nodded at her own thoughts. "Is that what you're saying?" She raised an eyebrow, crossing her arms over her chest.

I licked my lips, taking a deep breath. "Kung tapos ka na kumain, ako hindi pa. Pwede bang lubayan mo muna ako?"

She stared at me without saying anything and after a moment, she stood up. "Sure, see you again tomorrow... Peony."

Sinundan ko siya ng tingin. Muli pa siyang lumingon sa'kin at umismid bago magpatuloy sa paglalakad. Nilapitan niya iyong maraming babae sa isang mahabang table. Baka new circle of friends niya ang mga 'yon.

Napakagat labi na lamang ako saka bumaling sa pagkain na nasa harapan ko. Bumuntong hininga ako bago magsimulang kumain ulit.

Maycee Andres... she was once one of my closest friends, and one of those who turned their backs on me.

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara nang may maalala...

"Try mo 'to, Peony! Ang ganda, you'll look like a princess!" hikayat sa'kin ni Maycee suotin ang gown na pink na hawak niya.

Napailing ako habang nakangiti. "Hindi nga ako pupunta sa prom, Maycee, okay? Hindi pwede."

"What? Kill joy!" kumento ni Hoara habang kinukulot ang buhok niya. Nagpapractice na ata siya ikulot ang sarili niyang buhok para sa prom.

I sighed. "I get it that you guys wanted me to be there but... I really have to look after my father. Guys, you know our situation, right?"

They pouted. Iniwan ni Hoara ang hair curler at binitiwan naman ni Maycee ang pink na gown saka ako tinabihan sa couch.

Owned By The Mob BossWhere stories live. Discover now