Chapter 7: Decision

66 41 0
                                    

PEONY's POV

Pagtapos kumain ay napagpasyahan na naming umuwi. Gusto ko na rin magpahinga pero parang pinipigilan pa ako ng tanawin kanina umuwi. Sobrang nag-enjoy talaga ako sa view and impyernas ang sarap ng dishes nila. Kaya pala sobrang mahal ng halaga kasi sobrang sarap din.

Paglabas namin ng five-star hotel, sinalubong kami ni Riley. Oo nga pala, nakalimutan kong itanong kay Luigi kung sekretarya niya ito o driver lamang. Pero hayaan na, mayro'n pa namang next time. Sa ibang araw ko na lang siya tatanungin. Nakahihiya naman kasi kung magtatanong ako about kay Riley tapos kasama namin siya.

Pinagbuksan niya kami ng pintuan. Pinauna ako ni Luigi na pumasok sa loob bago siya sumunod. Habang na sa byahe, pinagmamasdan ko lamang ang tanawin na nadaraanan namin. Si Luigi naman ay nakatutok sa ipad niya, mukhang tungkol 'yon sa company niya. Si Riley naman ay tahimik lang din na nagmamaneho hanggang sa marating na namin ang bahay ni Luigi.

Bumaba kami sa garage kung saan naka-display lahat ng klase ng sasakyan ni Luigi. Ang labas nito ay ang drive way at bago ka naman makapunta rito sa garage, madaraanan mo muna ang malaking living area.

Nasa pintuan na kami nang tumigil si Luigi dahilan para mabunggo ako sa likod niya. I scratched my forehead before raising my head.

"Uhm, 'di ka pa ba papasok?" tanong ko at nang hindi siya sumagot ay nagtanong ako ulit. "May nakalimutan ka ba? Ako na ang kukuha sa sasakyan kung gusto—"

Natigil ako sa pagsasalita nang itaas ni Luigi ang kanang kamay, ibig-sabihin no'n ay 'quiet'.

"Matty!" sigaw ng isang boses galing sa loob.

Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig. Hindi kaya natigil siya sa paglalakad dahil naroon ang kaibigan niya? What should we do?!

Dahan-dahan akong tumalikod para bumalik sa sasakyan at magtago nang bigla kong marinig muli ang boses ng sumigaw ng 'Matty' kanina. "Uh-huh? Who's that?"

Dahan-dahan akong lumingon at nakitang na sa harapan na siya ni Luigi at sinisilip ako. Paano ako napansin ng lalaking 'to sa laki ng katawan ni Luigi na tinatakpan ako.

Agad na hinarangan ni Luigi ang vision ng lalaki at sinabing, "Kumain ka na ba? Kung hindi pa, sabayan mo ako."

Huh? Kumain na kami kanina 'di ba? Kakain siya ulit? Gutom na naman siya?

Inakbayan ni Luigi ang lalaki para iiwas sa'kin ngunit tinapik iyon ng lalaki at tinulak si Luigi. Ngayon, na sa harapan ko na ang lalaki. Pasimple kong sinulyapan si Luigi na nasa likod ng lalaki para humingi ng tulong pero mukhang problemado rin siya dahil pisil-pisil niya ang kaniyang ilong habang nakapikit ang mga mata.

"Who are you? His new girl?" nakangiting tanong ng lalaki.

Simple lang naman ang tanong niya. Madali lang din sagutin, pero hindi maganda ang dating sa'kin ng tanong niya na 'yon. Nakaiinis.

Am I his new girl? What does he mean by that?

Parang pinapalabas niya na babaero si Luigi kahit hindi naman siya mukhang gano'n. I don't imagine Luigi being a playboy. Matanda na siya para maglaro ng apoy at may plano na rin siyang mag-asawa kaya malabo na maging gano'n si Luigi.

Sinisayat niya ako. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, umikot pa talaga siya para makita ng maayos ang buo kong katawan. Pagtapos ay muli siyang tumigil sa harap ko na naka-krus ang braso.

"Nagpalit ka na ng tipo, Matty? As far as I remember, mas gusto mo 'yong mga babae na malalaki ang harapan at likod saka iyong kulot ang buhok," sabi niya, hinawakan niya ang kaniyang baba at nakipagtitigan sa'kin. "Sa lahat ng nabanggit ko, wala no'n ang babaeng ito."

Owned By The Mob BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon