XXXII. The Comeback

14 1 0
                                    

Si marco. Bakit ganun yung itsura niya? I mean, wow ang gwapo niya ngayon unlike dati.

"Ma-marco is that you?"

"Bash can I talk to cassy for a moment?"

Lahat kami nakatingin lang sakanya. Lahat kami hindi makapaniwala. Kasi sa pagkakakwento nitong mga babaing to ang iniimagine ko na itsura ni marco e dugyutin na. . . Alam mo yun yung hindi na naliligo or or . . . Basta in short panget. Ang hard ko ba? Sorry kung medyo mayabang na ah pero kasi iba e. Ibang iba talaga siya.

"Bash? josette? veronica? can I?"

"Oo naman. Basta wag mo na i tatakbo ulit ah!"

"Hahaha! oo naman kakausapin ko lang talaga. Cassy?"

Inalalayan niya akong tumayo. Nakatingin pa din ako sa mata niya na para bang nahypnotize. Lumipat lang kami ng table na medyo malayo kila veronica.

"Bakit ka andito?"

"I missed you"

"Ha?"

"I said I missed you kaya ako pumunta dito"

"Ano? bakit. . . . Pano mo nalaman na andito ako. kami?"

"Si bash nabanggit niya na magkikita kita kayo. Tapos sabi ko pwede bang sumaglit gusto lang kita makita"

"Ah okay"

Yun lang sagot ko para mapigilan ko yung hindi dapat na maramdaman sakanya. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Cassy. . . "

"Marco may boyfriend na ako"

"Alam ko naman yun "

Humigpit yung hawak niya pero hindi naman ganun kahigpit. Very very light lang.

"Gusto ko lang maging friends tayo"

FRIENDS?!

"Ha? bakit?"

"E alam ko namang hindi na tayo pwedeng magkabalikan e kasi may boyfriend ka na. Tska ayaw mo na sakin diba?"

Ano bang pinagsasabi nitong lalaking to

"Ahhh okay"

"Okay? anong okay?"

"Okay fine edi friends"

"Talaga?"

Nakangiti na siya. Yung ngiting parang super saya

"Oo. Ayaw mo pa ata e"

Bigla niya akong niyakap at kiss sa cheek.

"Thank you thank you thank you!"

"Kelangan may kiss pa? abuso!"

"Hahaha! sorry nadala lang ako"

"Okay na? yun lang ba gusto mong sabihin? balik na ako dun ah!"

"Ah meron pa sana e"

"Ano yun?"

". . Ah wala wala"

"Ano nga?"

"Wala nga"

"Ano ba yan hindi na nagbago ganyan ka din dati e. Nangbibitin."

Bigla siyang natawa sa sinabi ko.

"O bakit ka natawa dyan?"

"Wala. Sige na alis na ako magbonding na lang kayo nila basha"

Sinabayan niya ako pabalik sa table namin nila basha.

"Ayan na si cassy. O hindi ko tinakas ah!"

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now