XIV. Signs

46 1 0
                                    

        Ang sakit ng ulo ko. Kulang ata ako sa tulog. Tinatamad pa akong pumasok ngayon. Waaaah! Wednesday pa lang! Ang tagal naman magfriday! Coding pa ako! Asar! Sa sobrang tamad ko, pinikit ko ulit yung mga mata ko at nakatulog ulit ako. Maya maya ginigising na ako ni yaya pasing.

"Maam cassy. Maam cassy. Papasok po ba kayo?"

"Huh?"

"Papasok po ba kayo?"

"Anong oras na yaya?"

"6 o'clock na po maam"

"Aaaahhh 6. . o'clock. . . HA?! 6 O'CLOCK NA?!"

        Ang bilis kong bumangon sa pagkakahiga ko at tumakbo agad ako sa banyo para maligo. 

"Yaya! Pagawan na lang ako ng sandwich sa daan ko na lang kakainin. Mga 3 sandwich. Salamat!"

        Sigaw ko habang naliligo na ako.

"Sige maam! Tuna spread po ba?"

"Oo sige!"

        Nagmadali na din akong nagbihis. Hindi na ako naglagay ng make-up, lipstick na lang okay na to. Nagmamadali akong bumaba habang tinitignan kung anong oras na, nang bigla akong nadulas. Yung pagkadulas ko pa, yung parang umikot ako patalikod. Sheeeet masakit to sa likod kapag bumagsak na ako, kaya napapikit na lang ako. Pero may sumalo sakin. Pagdilat ng mga mata ko si JR nasa bahay.

"Good morning beautiful!"

"Waaaaah! Anong ginagawa mo dito?"

"Ganyan ka na ba maggreet ng good morning? Sumisigaw?"

"Ahh ehh Good morning din! Nagulat lang kasi ako sayo hehe!"

"Late?"

"Yep"

"Coding ka diba?"

"Yep"

"Tara na hahatid na kita"

        Hindi na ako nahiya, hinatak ko na siya papunta sa labas ng bahay papunta sa sasakyan niya at sumakay na agad ako.

"Tara na JR!!"

"Opo MS. Del Rosario!"

"Malalate na kasi ako MR. Montefalcon"

"Demanding mo ah!"

"Sorry! JR!"*Pacute*

        At umalis na kami. Habang nasa daan kumakain ako. Ang daming pinabaon ni yaya pasing, hindi ko ata mauubos.

"JR!"

"OH?"

"Kumain ka na?"

"Hindi pa nga e"

"Oh eto oh!"*Tinapat agad sa bibig niya yung tinapay*

"Ano to?"

"Pagkain! Hahaha! Tuna spread yan. Aaaaaah na dali!"

"Aaaaaaahhhhh. . . . . . . "

"Sarap?"

"Oo. Gawa mo?"

"Yep!"

"Galing mo talaga!"

        Habang sinusubuan ko pa siya napansin ko panay ang tingin niya sa mga kamay ko.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now