VII. The Wedding

60 2 0
                                    

        Today is the big day for anabeth and lester. Buti na lang hapon yung wedding at medyo nakabawi ako ng tulog. Inayos ko muna yung mga gagamitin ko bago ako naligo, ang ganda talaga ng damit na napili ni JR bagay na bagay sa beach wedding nila anabeth. Ako lang ang magmemake-up sa sarili ko, gusto ko kasi simple lang beach wedding naman e tska malang neto hindi pa tapos yung kasal nagsiswimming na ako. 

        Hindi pa nagtetext si JR gising na kaya yun? Tamang tama sa pagkuha ko ng phone ko tumawag si JR. 

"Good morning cassisay! Ano ready ka na ba?"

"Wow! The energy! Hahaha! Medyo, konting ayos na lang sa buhok tapos sunduin na kita dyan sainyo"

"Hmm good, akala ko kasi mag-aantay ako ng matagal dito sa baba e"

        Ano daw?!

"Bakit nasa baba ka?"

"E laging ikaw na lang sumusundo sakin e. Kaya ako naman susundo sayo"

"Hindi ka pa nga makapagdrive diba?"

"Nagpahatid ako kay daddy and mommy umalis kasi sila e tapos sakto along the way lang yung subdivision niyo kaya sinabay na nila ako tska napaaga yung pagalis ng cast ko sakto sa kasal nila anabeth."

"Oh! Okay. Mabilis lang to. PROMISE!"

"Okay okay! Take your time"

        Agad kong binilisan yung pagaayos ng buhok ko. Kulot kulutan lang naman ang peg ko ngayon e. Pababa na ako ng hagdan, nakatayo na si JR sa huling baitang ng hagdanan. Parang iba yung aura niya ngayon, parang ang gwapo gwapo niya sa paningin ko. Nang malapit na ako sakanya, napapikit ako at napasingot ng mahaba sa bango niya. Haaaay! heaven lang!

"Ready?"*sabay offer ng kamay niya*

"As always!" *hawak sa kamay niya at smile*

        Bago umalis nakita kami ng maid namin.

"Wow maam! Bagay na bagay talaga kayo ni sir pogi!"

        Natawa lang kaming dalawa.

"So magkano binayad mo kay yaya JR?"

"Wala ah! E talaga naman kasing bagay na bagay tayo e!"

        At namula na naman yung pisngi ko. Habang papunta na kami sa venue, naalala ko na naman si marco at ashtyn. Anong gagawin ko kapag nakita ko sila dun? Napailing na lang ako sa mga pwedeng mangyari. Nakatulog si JR sa byahe, antukin forever talaga e.

        Pagdating namin sa resort, nanlaki yung mga mata ko, ang ganda nung napili nilang lugar tamang tama sa mga wedding. Nagpunta agad kami sa frontdesk ng resort, sinamahan kami nung isang staff nila papunta sa beach. Puro purple at light blue yung design. Puro torch yung ilaw, maliliit na candles naman yung nagliliwanag sa aisle. Habang manghang mangha pa ako, bigla akong kinalabit ni JR.

"Cassisay tinatawag ka nung mga babae dun oh"

        Sila Josette pala yung tumatawag sakin. Lumapit na kami ni JR sakanila.

"Hi cassy! You look gorgeous with that dress!"

"Aww! Thank you! Kayo lang? Asaan sila marie and milo?"

"Wala hindi makakapunta duty sila sa ospital e, hindi makapagleave kasi ginamit nila nung anniversary nila e"

"Ay sayang naman hindi tayo kompleto"

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon