XXXVI. Alone

20 2 1
                                    

"Babe"
". . . . ."
"Baaaaabe"
"Huh?"

Nasa bahay na pala kami nila JR. Hindi ko na namalayan sa kakaisip kung anong laman nung mga sulat ni Julian.

"Ikaw lang ba talaga andito?"
"Hmmm hindi naman masyado. Andyan din mga maid"
"Ooohhh okay"
"Anong gusto mong gawin ngayon?"
"Ha? What do you mean?"
"Gusto mo bang magmovie marathon? Magkwentuhan tayo hanggang makatulog? Mga ganun"
"Babe. 11pm na kaya"
"Oh so?"

Bigla akong natawa sa sinabi niya.

"Oh so? Hahaha nakakatawa yun babe"
"Hindi ako nagpapatawa adik. Anyway, magbihis ka muna para mapalaba na natin yang uniform mo para may masuot ka bukas. Okay?"
"Um"

Kasya kaya sakin mga damit ni ate? Iniisip ko pa lang natatawa na ako. Malamang nito mukha akong suman.

Umakyat na kami sa taas. Dumerecho agad kami sa kwarto niya.

"O bakit dyan tayo?"
"Kukuha tayo ng damit mo"
"Ay sayo yung gagamitin ko? Kala ko kay ate mo"

Sabay tawa ng konte.

"Actually puro pangbata na lang natira na damit ni ate dyan kasi lahat dinala niya na sa america"
"Ah okay sige yung sayo na lang"
"Parang napilitan lang"
"Hindi no! Gusto ko nga e. Pahiram ng boxers mo tapos yung shirt eeeeeeeiiiiii naeexcite ako!"
"Hahahaha oa babe"
"Masama na ba maexcite? Ngayon lang ako makakapagsuot ng damit ng boyfriend ko e"

Medyo nagblush si JR sa sinabi ko. Nauna siyang pumasok sa kwarto niya at agad dumerecho sa cabinet niya. Umupo muna ako sa kama at nakialam sa laptop niya. Ang dami kong pictures sa laptop niya mostly stolen shots. Ang cute lang.

"Babe oh eto na yung boxer and . . . . "

Napansin niyang hindi ako nakikinig sakanya. Bigla na lang niya akong niyakap.

"Uyy anong ginagawa mo dyan? Puro ikaw lang laman ng laptop ko. Kahit phone ko. Kahit dito"

Sabay turo sa dibdib niya.

"Pfft! Corny mo babe"

"Ah corny pala ahh. Corny pala ah"

Sabay kiliti sakin.

"HA HA HA HA! Babe stop it! Ang sakit na ng tyan ko!"

Ayaw pa din niya tigil. Sige pa din siya sa pagkiliti sakin.

"Baaaaabe"

"Ano corny pa ba ako?"

"Hindi na. Hindi na. "

"Good"

"Konti na lang"

Sabay smile sakanya at aamba siya kikilitin ako ulit

"Ayoko na tama na. Magbibihis muna ako tapos palaba na natin yung uniform ko okay?"

"Um"

Tumayo na ako at kinuha yung mga damit na ipapahiram niya sakin.

Ang tagal naming nakatayo at nakatingin sa isa't isa. Nilalakihan ko na siya ng mata at nilalakihan din niya ako.

"Uhm babe?"

"Yes babe?"

"Hindi ka pa ba lalabas? Magbibihis na ako e"

"Ay! Oo nga pala sorry sorry. Sige na lalabas na ako"

Inantay kong sumara yung pinto bago lumapit at nilock ito.

Bago magbihis naglibot libot muna ako sa kwarto niya nagtingin tingin ng mga kung ano anong gamit na nakakalat sa kwarto niya.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now