XXXV. Young Love

50 0 0
                                    

Kapag andito ako sa bahay nila Jelly na bibinyagan ako e. Dami kong pangalan. Parang ang dami tuloy naming bisita sa bahay kahit ako lang naman talaga yung kasama niya. Kahit mga kapatid niya madaming nick name dahil sa kanya.

Yung katawan ni Julian mala zac efron. Kulang na lang kanin ulam na ulam na ulam na siya!

"Si Julian yan? Kelan pa siya naging model ng bench?"
"Pfft! Hahahahahahaha!"
"Ay hindi ba? Parang kasi hahahahaha"
"Actually oo model siya pero hindi ng bench. Pero malapit na"

Napatingin ako kay Jillian.

"Bakit ang gaganda ng lahi niyo? Hahaha!"
"Ano papalahi ka na samin?"
"Aso lang teh? Papastud?!"

At nagtawanan na kaming dalawa na parang lasing. May alak ba tong niluto ni Julian parang nakakalasing sheeeet! Ang init tuloy ng pakiramdam ko.

Sa sobrang tawanan naming dalawa hindi namin namalayan nakaupo na si Julian sa harap namin.

"Ian. Ian! Si sandra nga pala"
Tawa na naman siya. Natawa lang din si Julian sa sinabi ng ate niya.

"Hi Sandra. Im Julian. Nice meeting you"
At inabot niya sakin yung kamay niya na parang kakakilala lang talaga naming dalawa. Inabot ko din naman habang pinipigilan yung tawa ko.
"Hello Julian"
"Tama na nga yan! O Julian pwede mo ng bitawan si Sandy"

Napayuko lang siya habang natatawa. Ang saya saya naman namin parang tanga lang.

Binitawan na niya yung kamay ko tapos bigla niya ulit kinuha.

"Cas. Engaged ka na?"
"Huh? Ah oo. Halos one month na din. Biglaan nga e"

Kinuha agad ni Jillian yung kamay ko na hawak ni Julian.

"Talaga?! Astig! Ikwento mo naman pano nagpropose yung jowa mo! At may jowa ka pala! Akala ko naman wala kasi panay tanong mo about kay Iantot"
"Pst! Nagtatanong lang ako kasi ang tagal na natin hindi nagkikitakita e. Diba Julian?"

Paglingon ko sakanya nakatingin lang siya sa kamay niya.

"Uy! Parang bigla ka naman nalugi dyan!"
"Wala. Congrats Cas. Kelan kasalan?"
"Wala pa. Naging busy kasi kaming dalawa sa work ngayon e kaya hindi pa masyadong napaguusapan pero kapag may free time na kami tska namin paguusapan"

Kumuha ako ulit ng pizza. Parang gutom na gutom naman ako ngayon. Tawa kasi kami ng tawa nito ni Jelly e.

"Nga pala Jelly kelan ka pa kinasal kay. . . . Ano nga ulit pangalan ng asawa no?"
"JP. Hmmm nung nalaman naming buntis ako nagpropose na siya agad sakin e. Tapos weeks lang kinasal na kami. Iinvite sana kita e kasi ikaw sana yung maid of honor ko kaya lang hindi kita makita sa facebook. Tapos etong si Ian hindi naman sinabi na may connection pa sa mga kaibigan mo nung college. Late na nung nalaman ko"
"Talaga Julian? Sinong friend ko sa college yung kilala mo?"
"Si Shai."
"Shai?"
"Shaira Valdez"
"Hmm aahhh! Oo isang beses ko lang naging classmate yun e. Pano mo yun nakilala?"
"Nagshift siya ng course e tapos naging magclassmate kami ayun"
"Alam mo ba sandz kamukha mo yun!"
"Oo nga daw e dami nga nagsasabi"
"Diba Ian ex mo yun? Diba?"

Hindi nakasagot si Julian pero medyo namula yung cheeks niya.

"O bakit hindi ka makasagot? Hahaha!"
"Uy. Jelly tama na nga! Baliw ka!"
"Sorry hindi ko lang mapigilan sarili ko kasi alam mo yun? Magkakaron na ako ng kapatid na babae e. SANA! Tapos close ko pa. Oh diba?!"

Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Ikaw kasi Julian e! Bakit hindi mo pa niligawan ng todo todo tong si cassandra e. Naunahan ka tuloy nung jowa niya. Tsk"
"Baliw ka talaga Jelly. Julian may alak ba tong niluto mo parang lasing na yung ate mo!"

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon