Chapter 43: Untitled

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ha? Anong boyfriend at ligaw ang sinasabi mo? Umayos ka nga, Ice! Ang gulo gulo mo. Hindi na kita maintindihan!"

Tumalikod ako at ginugulo ang buhok ko. Nakakainis na. Humarap ako sa kanya at humigang malalim. "Hindi ba halata, Zoe?! Nagseselos ako! Nagseselos ako sa Jude na 'yan. Siya na lang ang palagi mong kasama. Lunch. Vacant. Uwian. Hindi mo alam na ilang beses ko nang tinorture 'yang asungot na 'yan sa isip ko at kulang na lang ay bugbugin ko siya para hindi na makalapit sa 'yo."

"Ano? Selos? Ikaw, nagseselos? Ano ba? Hindi ko nga maintindihan! Bakit ka naman magseselos?!"

"Kasi nga gusto kita! Hindi. Mali. Mahal kita. Mahal kita simula pa lang. Hindi ka pa nag-aaral sa Kingdom High mahal na kita. Hindi mo pa ako kilala mahal na kita. Kahit nu'ng panahong nag-aaway tayo mahal na kita. At hanggang ngayon mahal pa rin kita! Alam na ng lahat ikaw na lang ang hindi. Hindi ko alam kung saksakan lang ba ako ng torpe o may pagkamanhid ka rin! Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano. Pero the moment I laid my eyes on you nakaramdam na ako ng mga bagay na hindi ko naman nararamdaman noon. Sabihin mo ng cheesy pero makita pa lang kitang papalapit nagwawala na ang puso ko. Umaga, tanghali, hapon, gabi, may ginaawa man ako o wala, lagi ka na lang pumapasok sa isip ko. Mababaliw na ako kakaisip sa 'yo. Kasi nga mahal kita!"

Hinabol ko ang hininga ko matapos kong sabihin ang lahat ng 'yun kay Zoe. Walang nagsalita sa amin pagkatapos. Nakatingin lang siya sa akin at halatang gulat sa sinabi ko. Hanggang sa pumikit siya sandali at tumingin ulit sa akin.

"Nakakapagsalita ka pala ng ganyang kahaba?"

"Sa lahat ng sinabi ko ayan lang talaga ang sasabihin mo?"

"Huh? Ano... Wait lang, ha. Nagpraprocess pa sa utak ko ang mga sinabi mo." Pumikit ulit siya at hinawakan 'yung noo niya. Maya maya lang ay dumilat na siya at tumingin sa akin. "Mahal mo talaga ako?" Tumango naman ako. "Kailan pa?"

"Noong unang beses kitang nakita sa No Name."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Napaiwas ako ng tingin. "Natorpe." Nagbuntong hininga ako at tumingin ulit sa kanya. "Liligawan kita."

"Huh?"

"Ang sabi ko, liligawan kita. Hindi ako nagpapaalam sa 'yo. Sinasabi ko lang 'to para alam mo. Basta gagawin ko 'to pumayag ka man o hindi. Liligawin pa rin kita. Kaya wala ka nang magagawa kahit hindi ka man pumayag," seryosong sabi ko na nakatingin nang diretsyo sa mata niya.

Bigla naman siyang umiling at medyo nangingiti pa. "Sa lahat ng nagpaalam sa akin na manligaw ikaw lang ang kakaiba."

"Hindi nga sabi ako nagpapaalam. Pinapaalam ko lang sa 'yo. Kaya kahit ayaw mo magpaligaw, wala kang magagawa kasi liligawan at liligawan kita."

"Sino ba nagsabing hindi ako papayag?"

Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin papayag talaga siyang ligawan ko siya?Ibig sabihin ba nun may pag-asa ako kasi nga pumayag siya? Pero may pag-asa man o wala manliligaw pa rin ako.

Pumitik pitik siya kaya nagbalik na ako sa katinuan. Napatulala pala ako saglit. Kaya nu'ng nasa realidad na ulit ako ay ngumiti na lang ako at hindi ko napiligan na mapayakap sa kanya.

"Agang tsansing, Ice."

Bumitaw ako at nagkamot ng ulo, "Sorry. Na-excite lang."

"Patay na patay ka pala sa akin, ha," biro niya.

Nginitian ko siya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Zoe."

"Hmm?"

"Gusto ko 'yung lalaking gwapo at cool. Hindi 'yung sobrang nagfifeeling na gwapo at sobrang presko. 'Yung tama lang. Gusto ko rin 'yung magaling kumanta. At syempre kakantahan niya ako. Gusto ko rin ng cute at hot at the same time. Okay din kung kasing yaman ni Bill Gates at kasing talino ni Einstein."

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon