Chapter 8: Crackerbrain

10 1 0
                                    

Nag update nanaman ang magulo ninyong author! XD Na-miss ko kasi si Reese kaya nag update si oks hehe ;) Enjoy reading!

REESE

Sinara ko na ang convenience store nang natapos ang huling delivery ko sa isang subdivision. Sumakay na ulit ako sa kotse dahil pupunta ako ngayon sa heaquarters namin. May importante lang kaming pag-uusapan sandali. Actually, tungkol iyon sa Black Organization at ano ang koneksyon nila sa amin. Siguraduhin muna namin na mapagkakatiwalaan namin sila, kung hindi, we will kill them no matter what.

"RIIINNGG!"

My beloved Auntie calling. . .

"Hello? Auntie?"

"Reese nasaan ka ngayon?"

Teka--anong sasabihin ko? Pupunta ako sa headquarters? Hell no.

"Ah-malapit na po ako sa bahay. . ." pagsisinungaling ko.

"Sakto. Gusto kong linisin mo ang bakanteng kwarto. Baguhin mo ng bedsheet, alisin ng alikabok basta lahat malinis." As in ngayon? Grabe naman sa ganitong oras lilinisin ko ang bahay? Ano naman ang gagawin niya sa kwartong yon?

"ahh, p-pwedeng bukas na lang po--"

"At ikaw na ang masusunod ngayon?" may pagtataray sa tono niya.

"Kasi po, uuhhh.. may nalaman kasi akong pamahiin, masama daw maglinis ng kwarto kapag gabi, mamalasin daw ang buong bahay!" syempre hindi totoo yun. Kasi minsan may pagka-uto-uto itong si Auntie, basta basta lang naniniwala kapag pamahiin ang pinaguusapan lalong lalo na ang salitang 'malas'.

"Ganon ba?" tanong niya.

"Opo. Pero hindi naman ako basta naniniwala sa ganon kaya maglilinis na po---"

"Diba sinabi kong ako ang masusunod?!" nilayo ko sa tenga ko ang cellphone. Ano ba yan, madi-disgrasya ako ng de oras dito.

Sinabi ba niyang siya ang masusunod? Hindi naman ah?

"Kaya nga po--"

"Hindi ka maglilinis ngayon! Intende? Bukas mo na gawin 'yon."

"Pero ang convenience store--" pinutol na naman niya ako.

"Wala akong pakialam kung kailan mo lilinisin basta huwag sa gabi. Kailangan malinis na iyan bago ang pag-uwi ko." at pinatay na niya ang tawag. Nagbugtong hininga ako at nilagay sa tabing upuan ang cellphone. Buti na lang umubra ang palusot ko. Nagfocus na lang ako sa pagd-drive nang narealize kong--

Hala nalampasan ko na ang hideout!

Agad akong nag U-turn at hininto ang sasakyan sa usual parking area ko. Sinuot ko ang hoddie ng jacket ko at nagsuot ng mask upang matago ko ang mukha ko. Mahirap na, baka may iba pang nagiimbestiga sa amin. May plano nga kaming lumipat ng hideout para hindi na kami masundan ng kung sinong sumusunod sa'min. Pero sa ngayon, iniba muna ni Race ang security system ng hideout at iyon ay DNA scanner. Ilalagay lang namin ang daliri namin sa biometrics at may part sa biometrics na tmitingain sa fingerprints namin tapos ic-crack ang DNA sequence nito kung tugma ito sa mga data namin. Hay di ko parin maexplain ang katalinuhan ni Race. Kahit hindi marunong manuntok yan halimaw naman ang utak.

"So are we all set?" tanong ni Aki matapos kong umupo sa tabi niya. Tumango naman kaming tatlo.

"Guys, alam kong hindi madali sa atin ang desisyong iyon. But that organization will help us to find a lead to them. Konti lang ang impormasyong nakuha natin sa kanila at kailangan natin ng mas makapangyarihang tao para mas lalong lumawak ang access natin." Aki said.

Badass CinderellaWhere stories live. Discover now