Chapter 7: Walanghiyang Collin and Squad

12 0 0
                                    


REESE

"Okay ka lang Reese?"

Tinanguan ko lamang si Kuya Danny habang papasok ng convenience store. Kabibigay ko lang ng garbage bag sa garbage truck ng Redwood Metropolitan Waste Management. Dumiretso ako sa counter habang lumilipad ang ulirat.

Wala ako sa mood ngayon pagkatapos ng nangyari kagabi. Sana pumayag na lamang kami agad kung alam naming iyon ang pinahihiwatig niya. Parang bumalik sa akin ang ala-alang gusto kong kalimutan dahil sa tuwing naaalala ko iyon, mararamdaman ko ulit ang naramdaman ko noong gabing 'yon na nagtulak sa akin na gawin ang isang kasalanan na hindi ko kailanman pagsisisihan.

"Tutunganga ka lang ba dyan?"

I startled when I saw a lady with a stern expession. Familiar ang itsura nito dahil sa violet highlights na nasa buhok nito at gothic style na pananamit. Mayroon din siyang kasamang pamilyar din sakin, naka pink t-shirt at white shorts na babae. Naka-pig tails ang blonde na buhok nito. I think they have the same age but the other one is childish.Stern and childish. What a perfect combination! Insert the sarcasm.

"S-sorry ma'am."

"Tss. Next time pay more attention to your work."

Agad kong kinuha ang items at agad ini-scan. Karamihan sa mga pinamili nila ay puro sweets at konti lang yung instant food at de-lata. Hindi ba masisira ngipin nila sa pinamili nila?

"Sammiiiee! Kunin natin yung strawberry chocolate!" Kumikislap ang matang nakatingin ang babaeng naka-pig tails sa mga chocolate na nakadisplay malapit sa counter.

Sammie?

Saan ko nga narinig yan?

Wait.

AY! Naalala ko na sila! Syempre naman ang Sammie na yan ang masungit na nakabangga ko sa condominium at naging customer dito noong isang araw. Pero hindi ko natandaan ang pangalan ng kasama niya. Is it Venice? Valencia? or. .

"VANESSA! Can you refrain from eating sweets?! Ang dami-dami na nito oh?!" pareho kaming umatras ni Vanessa sa biglaang pag-out burst ni Sammie. Ang cute din ng name niya no, Sammie. Hindi bagay sa mukha niyang galing pa sa medieval era.

"Eight hundred forty pesos and fifty cents ma'am." kalmado kong sabi sa kanya na animoy walang pakialam sa kanila.

"Here." Inabot niya sa'kin ang tumatagingting na one thousand pesos. Susuklian ko sana siya pero agad naman siyang tumalikod at kinuha ang paperbag.

"Keep the change." I heard she said.

Hindi ba sila nauubusan ng pera? Gash, kahit limangpiso pa yung sukli ko sa jeep kukunin ko pa eh!

Kung sabagay, mayaman naman sila maliit na bagay na nila yung P159.5 na sukli.

"Hi!" Kumaway-kaway pa na bati sakin ni Vanessa. Hindi pa ba siya aalis diyan?

I smiled at her.

"I will be your regular customer if you will let this full of stock. Please?" Nagpuppy-eyes pa niyang tugon sa akin. Nakaturo siya sa strawberry chocolate.

I nodded. "Makakaasa po kayo ma'am."

"Vanessa!"

Napatingin naman siya sa glassdoor ng store. "Hala! tinatawag na ako ni Dragoness! Joke! Hehehe~ yung promise mo ha?" nakapout pa siya habang sinasabi yan. Natatawa naman akong tumango.

Badass CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon