Chapter 6: Aim

14 0 0
                                    


Thank you for reading~

***

REESE

At sino naman ito?! Paano siya nakapasok dito?!

Ilang minuto kaming nakatulala sa kanya. Tila ina-absorb pa namin ang mga pangyayari.

"Hmm. . wala ba kayong sasabihin?"

At ayun, napabalik kami sa wisyo nang muli siyang nagsalita. Inayos pa niya ang salamin niya at muling ngumiti sa amin.

"P-paano ka nakapasok?"takang tanong ni Race, paanong hindi magtataka ang taong mismong gumawa ng security system namin. We trust Race's cunning skill for a long time kaya hindi namin akalaing ganoon lang kadali sa lalaking 'to ang makapasok sa hideout namin.

I am sure that this man is really something.

"Well, I am not having a hard time when I got here. Matagal ko na kayong minamanmanan, kaya nga password ng security sytem ninyo ay na-uto ko."

Sumipsip muna siya ng kape bago magpatuloy. " I've asked one of my collegues to hack your security system and insert my voice to your computer's data. And the password? Well I've been investigating you for days. Just by simply putting a recorder on your garbage can is enough to record your voice while stating the password. Is it cool?" mahaba niyang paliwanag sa amin na may kasamang puri sa sarili niya.

"Lesson learned: wag na tayong maglagay ng garbage can sa hideout." nakaismid kong komento habang pinatong ang aking siko sa balikat ni Race.

"Tss. No. We should change the security system." ramdam ko ang iritasyon sa boses ni Race. Ako naman siguro mabi-bwisit kapag may bumulilyaso sa security system na ginawa ko.

Napatingin naman ako sa balat na saging na kung saan lang niya tinapon. Binatukan ko nga.

" Aray!"

"Hoy! Hindi ibig sabihing nagsuggest akong tanggalin ang trashcan dito ay pwede mo nang itapon ang kalat mo kung saan!" mahinang singhal ko sa kanya.

"Reese, minsan din ang mga kalat, nagkakaroon din ng silbi." aniya sabay kindat sa'kin. Yaks. Feel naman niya ang gwapo niya.

Lumapit si Aki at umupo sa tapat ng gurang na 'to.

"Are you behind of those messages?" a hint of seriousness plastered in her face. Tumango naman siya.

"Ano naman ang pakay mo? Para isabotahe kami?" Narinig ko ang boses ni Raze. Sa pagkaka-alam ko si Raze ang may pinakamahabang pasensya sa grupo namin. Pero hindi rin ako nagtaka kung bakit nabi-bwisitan na siya. Nakakabwisit naman talaga ang lalaking walang paalam na pumasok sa hideout namin.

Ngumiti naman ito sa amin. "Hindi ako ang may pakay sa inyo, ngunit ang boss namin, meron."

May boss pa siya?!

"Anong ibig mong sabihin?"

"He sees a lot of potential within your group. The assassinations are perfectly made. Kahit na may kabataan pa kayo ay naramdaman niya kaya ninyong makipagsabayan sa mga veterans. You act in your own way, and you succeed through your own way." ano kaya ang pinupunto ng lalaking 'to?

"Pwedeng diretsahin mo na kami?" hindi ko na napigilang magsalita.

"We all did these scheme not because a predator wants to catch its prey, but a predator looks for another predator, to catch an enormous prey."

Badass CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon