Chapter 78

50.8K 776 48
                                    

[Lee P.O.V]

  "Okay na ba ito Dhea"—Venice

   "Oo, bagay na sa iyo yan.. wag ka na mag palit ulit!, hindi ka naman VIP dun"—Dhea

   "Sorry babe, pero hindi ako pwede ngayong gabi.......HA! ano bayan!, saying naman kung ganun. Hindi kita tuloy katabi sa kama"—Rok. Na may kausap sa cellphone nya.

 

   "*senti mode*"—Vince, tahimik sa tabi habang nasa max volume ang headset nya.

Andito kaming anim sa isang kwarto ditto sa mansion ng mga Velasques.. pinili ng mga Leader namin ng Sumiyoshi-kai na dito mag diwang ng isa sa mga kaarawan ng isang anak sa mga Leader namin.

   "Hindi mo inaasahan na malaking selabrasyon ang magaganap dito ngayon?" —salita sa akin ni Ethan. Umupo sya sa katapat kong upuan.

   "Hindi sanay na ko sa mga ganito... pero unang beses ko lang nakita na ang dami pala miyembro ng mga Sumiyoshi-kai na pumunta dito, may mga kasama pa nga sila bodyguard "—sagot ko sa kanya. Napa tingin ako sa bintana na katabi ko.

   "Dahil yun sa, hindi ka pumupunta sa mga selebrasyon dun sa Japan at kailangan nila mag dala ng mga aso na bodyguard dahil baka mag ka aberya dito. Sya nga pala hindi ko pa nakikita yung ama mo dyan sa baba"—Ethan

   "Pupunta yun. Mahuhuli lang ng konti dahil kausap ang pinaka Leader natin"—sagot ko sa kanya habang hindi ko sya nililingunan.

Hindi na nag salita si Ethan, kaya naman ay napansin ko dun sa baba ay mas dumadami ang mga bisita na dumadating galing sa iba't iba bansa... may nakita pa nga ako na matatanda na kasama ang mga anak or apo ata nila.

  *Tok'tok'tok*

   "Pinababa na po kayo Sir,' Ma'am"—salita nung babae na nasa labas ng kwarto.

Tumayo na kami ni Ethan, si Rok naman ay itinigil na nya ang pakikipag telebabad sa mga babae nya. Si Vince ay tinanggal na nya yung headset at iniwan lang ito sa kama, yung dalawa babae naman ay naka ayos nan g damit at parehas kaming lumabas sa kwarto.

Nung naka labas na kami ng kwarto ay dumeretsyo na kami sa labas kung saan anduon ang lahat. Ako naman ay habang nag lalakad ay palihim ko na kinuha ang cellphone ko at di-nial ko yung number nya.

SAG+M: She's a Gangster + a MAFIA!?!Where stories live. Discover now