Chapter 77

50.6K 702 29
                                    

[Drandrei P.O.V]

Nakita ko ang mga reaksyon ng mga itchura nila Jam sa pag kwento ko sa nakaraan ko nung ikinulong/dinukot ako ni Lolo nung sampong taon gulang palang ako.

   “Ano itutuloy ko pa b—”—salita ko dapat pero, agad na nag salita si Jam, kaya naman napa tingin ako sa kanya.

   “KADUGO MO BA TALAGA ANG LOLO MO!?! ANG SAMA NYA BAKIT NYA GINAWA YUN SA SARILING APO NYA!”—galit na salita ni Jam.. pina kalma naman ni Izzy si Jam. Samantalang ako ay pinag-mamasdan ko lang sya…wala sanay na ko kay Lolo nuon.

   “Ran, yun ba ang dahilan kung bakit ka nawala ng ilang buwan nun”—tanong sa akin ni Jane, nag nod lang ako sa kanya sa pag sasabi ng “Oo”.

   “Dalawang buwan ako nanduon, at walang tigil ako sa pag patay nung mga panahon nun” salita ko sa kanila at sumandal naman ako sa pinto ng kotse ko na malapit sa akin “Sa totoo lang sa pag-kaka alam ko nun ay walang pahinga pa ko nun at sa ka una-unahang beses ay ka muntik ko na makita si Satanas hehehe”—tumatawang salita ko ulit sa kanila. Nagulat naman ako dahil binatukan naman ako ni Tina na nasa likod ko lang.

   “Walang nakakatawa dun Ran!” salita ni Tina sa akin kaya naman napa himas ako sa tinamaan nya sa akin “Pitong buwan ka nawala nung panahon na yun, saan ka nung limang buwan nun?”—tanong sa akin ni Tina.

Napa buntong hininga muna ako bago sya sagutin “Sa i-kuwento ko sa inyo  ngayon ay ito ang pinaka ayoko sa lahat na sabihin.. pero dahil sinasabi ko na nga sa inyo ito ay gagawin ko nalang”—salita ko sa kanila, kaya naman tumingin ako sa kanila. Habang silang apat ay naka tingin na din sa akin.

  *Flashback*

Saktong dalawang buwan ko naubos ang mga kasama ko sa kulungan, kaya pinakawalan nila ako sa impyernong kulungan nun.. pero ang ikina gulat ko sa sarili ko ay hindi ko na nakilala ang ako nung naka harap ako sa salamin nun.

Tahimik, hindi nag-sasalita, masama ang mga tingin ko, at walang pake alam. yun ang naging bago ko ugali nun, nung naka labas ako sa kulungan na yun, pansin ko din na maraming umiiwas sa akin nun.

Dinala nila ako sa isa sa mga bahay ni Tanda at hindi ko nakita ang anino nung matanda na yun. kaya naman tahimik lang ako na sumunod sa kanila at tahimik lang sa buong byahe.

Habang nasa byahe kami ay napansin ko na wala na pala ako sa pilipinas… at nasa soul o nasa korea na pala ako.. napansin ko kasi yun na may nakita ako flag na korea sa dinaan ng kotse na sinasakyan namin.

SAG+M: She's a Gangster + a MAFIA!?!Where stories live. Discover now