Chapter 54

69.2K 852 72
                                    

Drandrei



Kakatapos ko lang mag linis ng mukha at nag ayos ng kama ko dahil panigurado ako na tatabi itong si julia sa akin kahit na may sofa dito sa kwarto ko.


Kinuha ko nalang yung laptop ko habang si julia ay nasa banyo naliligo at nakihiram din damit ko para may pamalit sya ngayon.


Nag browser nalang muna ako kung ano balita na nangyayari ngayon at naisipan na bumisita sa underground site na napaka tagal ko na hindi binubuksan ang account ko duon.


As usual hindi na bago sa akin ang mataas na notification sa message at mention ng pangalan ko kahit na kinaramihan ay hindi ko sila kilala.


Nag scroll lang ako sa profile ko na wall ko na tama nga ako mga hindi ko kilala ang mga nag iiwan ng post sa wall ko. oo meron sila jam pero kinaramihan ay hindi ko kilala.


this is boring..


"yung totoo sis. ilan beses mo palang na susuot itong damit na ito" tanong nalang sa akin ni julia na nilingunan ko naman sya ngayon.


"isang beses" maikli kong sagot sa kanya. sa pag kakatanda ko ay ginamit ko lang yang suot nyang damit nung nag disguise ako bilang lawyer sa isang court house.


"wow. buhay na buhay pa pala ang site na yan" sya na tumabi na sa akin habang nag papahid sya ng lotion sa kanyang mga braso.


"gusto ko nga ipa tanggal na itong account ko na ito para wala na maka kilala sa akin"


"why naman?. ang ganda nga e, madami nakaka kilala sayo at madami din gustong maka laban sayo" julia.


"i dont think so" salita ko nalang na natigil sya at lumingon sa akin.


"what do you mean" julia.


"kanina lang kina-usap ako ng kuya ko" panimula ko sa kanya na alam ko na mula simula kung ano ang pag-uusapan naming dalawa.


"alam nya o nila kuya dylan at kuya pj na involve ako kung bakit pati mga japanese mafia o yakuza ay kasama din dito sa gulo, at napadpad pa ang pag-uusap pa naming mag kapatid sa sitwasyon ko pa sa vanguard"


Kwento ko sa kanya na isinarado ko na ang laptop ko at inilagay ko nalang ito sa side table na malapit sa kama ko lang.


"wait a sec. meaning ba nito ang dahilan ng pag punta ng mga japanese dito ay dahil sa iyo?. pinag hahanap ka nila?" julia.


Nag nod muna ako sa pag sagot ko ng 'oo' sa kanya at hindi ko na sinabi kung anong dahilan dahil hindi pwede ibigay ang impormasyon na yun.


"sinabi pa ng kapatid ko na kailangan ko na talaga umalis sa vanguard habang hindi pa ko naiipit o natutunton ng mga nag hahanap sa atin o sa akin, or else"

SAG+M: She's a Gangster + a MAFIA!?!Where stories live. Discover now