Chapter 25

95.2K 1.1K 13
                                    

Drandrei 


18:10


Nasa loob na ko ng elevator papunta sa floor kung nasaan itong target ko na andito pa rin kasama si jasmin na hinihiling ko nalang na mag kahiwalay ang dalawa dahil ayaw ko mag pa abot sa target ko dito at gawing battlefield itong building nya.


Ayaw ko lang may madamay na mga inosenteng tao dito. Pero IF ako ulit ang dating ako, ay wala ako pake alam kung sino madamay o mamatay sa paligid ko dahil mas nag en—.


Tumunog yung bell ng elevator ng may pumasok na isa sa mga bodyguard ata nitong target ko. Presence nya ang nag sasabi sa akin na kasapi sya sa target ko.


"good evening, sir" bati ko nalang ng tinignan lang ako nitong lalaki ng maiigi, sabay smirk nya sa akin.


That smirk.. I want to punch his face. dahil ang tingin ng binigay nya sa akin may halong hindi ko gusto.


"You're new here?" tanong nitong lalaki sa akin ng napunta na yung atensyon nya sa akin habang umaandar pa rin yung elevator.


Wala bang bibilis dito papunta sa taas?!.


"Yes, sir" sagot ko nalang ng nag smirk ulit sya akin. Akmang lalapit pa sya sa akin ng biglang tumunog yung bell ng elevator at bumukas ito.


Naka hinga ako ng malalim ng itong floor ang babaan ko. Ayaw ko patayin itong lalaki ito dahil may cctv na dito sa paligid.. lucky b*stard.


Limabas na ko sa elevator at hindi ko nalang nilingunan yung lalaking kumausap sa akin dahil naka tingin pa rin kasi yung lalaking iyon sa akin at hindi sya naka tingin sa likod ko.. sa bandang baba ng likod ko dahil malakas ang pakiramdam ko.


Nag punta na ko sa isa sa mga conference room dito sa floor 08 na kung nasaan ngayon itong si jasmin nhel miller. May nilagay kasi tracking device sa kanya nung na meet ko sila sa lobby, kaya madali ko lang sya nahanap dito sa building ito.


Nalaman ko rin na hindi kasama nitong jasmin ang target ko sa conference room, at nasa personal office nya daw sya may ka meeting ng mga ibang kasamahan nya. na narinig ko lang sa device na nilagay ko kay jasmin.


Madali ko lang nakita ang conference room ng kumatok muna ako bago buksan ito.


"excuse, sir. I'm about to clean this room"


"make it quick" sagot nung isang nag babantay kay jasmin nhel miller na abala silang dalawa sa phone na hindi man lang ako nilingunan.


Tahimik lang ito si jasmin na naka upo sa color white na couch. Kinakabahan, natatakot at naka yuko naka tingin sa lapag lang itong si jasmin.


Naglilinis lang muna ako habang yung dalawang bantay ay abala pa rin sa mga phone nila ng naka lapit na ko sa mga switch ng ilaw dito sa conference room.

SAG+M: She's a Gangster + a MAFIA!?!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن