VICE GANDA NIGHTS

25.4K 286 134
                                    

"bakla ano rampa tayo mamaya?" bulong ng kaklase ni Vice sakanya palabas na sila ng classroom kakatapos lang ng klase nila kaya syempre kulitan, baliw baliwan lang kasama ang tropa. 

"tangina mo Marj wag mo nga akong tinatawag na bakla mamaya may makarinig sayo makarating pa sa girlfriend ko.." panggigil ni vice habang inaakbayan si Marj at palingon lingon si vice sa paligid baka kasi may nakarinig na tinawag syang bakla

"oo nga naman wag mong tinatawag na bakla si Vice...ano ba vice gimik tayo mamaya?" lalakeng lalakeng sabi ni Hennessy 

"isa ka pang bakla ka, di mo nga ko tinawag na bakla, vice naman. hay nako wag nyo nga kong guluhin kita nyo nang ang dami dami kong iniisip eh" pakamot kamot na sabi ni vice saka huminto at umupo sa bench 

"oh sige di ka na namin aasarin, sabihin mo nalang kung ano yung mga iniisip mo malay mo naman baka makatulong pa kami." umupo narin si Bytz sa tabi ni Vice 

tiningnan naman ni Vice isa isa ang mga barkada nyang nakapaligid sakanya, sinusuri nya kung seryoso ba ito...sa tagal tagal nilang magkakakilala simula ng 1st yr hanggang umabot na ng 3rd year college si Vice sila parin ang barkada nya, sila sila parin ang magkakasama, sila Marj,Henessy, Bytz, Aljane at Joanne.. 

nakilala nya lahat ito dahil sa pagsali nya sa SPG FRATERNITY na nagkataon namang PolSci din ang courses kaya mas lumalim pa ang samahan ng grupo nila hanggang sa makuha na ngang aminin ni Vice sakanila na BAKLA sya pero dahil nga mga tunay at totoong kaibigan sila hindi nila pinangungunahan si Vice sa pagsabi kay sandy dahil nangako naman si vice na hinding hindi sya mangangaliwa mapa babae man o lalake hindi nya papatulan hanggat sila pa ni Sandy, kitang kita naman ng mga ito kung gano kamahal ni vice at grabe kung alagaan nito si Vice wala namang pagkukulang bukod syempre sa paglilihim nya pero nangako naman si Vice na hindi nya hahayaang makagraduate sila ng hindi umaamin..

'so kayo parin pala talaga ni sandy hanggang 3rd year?' -karylle

"mahal na mahal ko talaga si Sandy eh..." mahinang sabi ni Vice habang nakayuko hindi nya makuhang tingnan ang mga barkada nya dahil nahihiya na sya, pati mga kaibigan nila ni Sandy dinamay nya sa kalokohan nya at dinamay pa sa pagsisinunangaling tungkol sa totoong pagkatao nya.. 

"alam naman namin yun, wala namang duda dun. aabot ba kayo ng 3yrs kung hindi naman kayo masaya at kung di nyo ba naman mahal ang isat isa diba?" sagot ni Bytz saka umupo sa grass, lagi na kasi silang tumatambay dito gawain narin after class. chill chill lang.

'mukhang tinamaan ka talaga kay sandy' -karylle

"ang kaduda duda yung gender mo.." singit ni aljane...

"oo nga tatlong taon mo naring pinagiisipan yang gender mo ah? ano ba yan di parin ba napacheck yung birth certificate mo?" gatong pa ni Joanne

50 SHADES DARKER VICE (ViceRylle SPG)Where stories live. Discover now