JOSE MARIE DAYS

28.8K 274 112
                                    

"hindi ako bakla, hinding hindi ako magpapakabakla! hinding hindi. lalake ka! tandaan mo yan! lalake ka!"

"JOSE MARIE!" sigaw ng lalake na nasa labas ng kwarto ni Jose Marie

"eto na! sandali lang naman, kahit kelan Benjamin napaka atat mo!" lalakeng lalakeng sigaw ni Jose Marie. mga isang oras na kasi syang nasa harap ng salamin; inaayosan, tinitingnan, sinusuri at kinakausap ang sarili..

"kahit kelan din Jose Marie napakatagal mo kumilos, paalala ko lang sasali tayo sa frat hindi sa contest!" pakamot kamot na sabi ni Benjamin na nakaupo sa sala ng dormitory nila sa FEU

dahil 1st year college na si Jose Marie at Freshmen kelangan nya tuloy sumali sa frat, hindi naman kelangan o hindi naman required pero ginusto nya dahil gusto nyang magkaron ng mas maraming kaibigan, kakilala dahil nga baguhan sya. at ang pinaka importante ang mapatunayan sa sarili na hindi sya bakla at malabanan ang pagkabakla nya.

'wow. ang hot. vice pogi sasali sa fraternity wow. Gangstah gangstah haha' -karylle

"eto na nga, masyadong mainipin benjie...nakakalok---nakakabwiset..tara na nga.." nauna nang maglakad si Jose Marie pero ilang hakbang lang ni Benjamin naabutan nya na agad si Jose Marie at sinabayan sa paglakad palabas ng dormitory

"buti nalang pumayag kang sumali..di rin kasi ko handa kung ako lang magisa.." inakbayan na ni Benjamin si Jose Marie na ikinailang naman ng huli.. dahil di nga sya komportable kay benjie, nasa estado sya ng nilalabanan ang pagkabakla nya ngunit pag nasa paligid si Benj mas lalong lumalala.

"kinakabahan ka ah? ahaha okay lang yan. sabay naman tayo.." mas diniinan pa ni Benjamin ang pagkakakbay kay Jose marie dahil halatang kabado at tensyonado ito

napabitaw naman agad si benj ng nasa pinto na sila ng dorm papasok din kasi si "peter..." tawag ni Benj sa papasok na si peter pero parang wala lang narinig si peter at dirediretsong naglakad papasok ng dorm

'omg? sino titira sayo si Benjamin o si Peter? or ano ba tong second entry mo? may babae ba na involve dito?' atat na singit ni karylle sa kwento ni vice pero hindi lang sumagot si vice at tinuloy lang ang pag flashback niya

"problema nun?" tanong ni Benjie kay Jose Marie

"lagi namang ganun un eh, pagnakikita ako ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo sakin pero naririnig ko naman pagka nandyan yung mga barkada nya maingay tsaka nakikipagtawanan sya.." reklamo ni Jose Marie

bet sana ni Jose Marie si Peter kaso lagi syang sinusungitan kaya nawala yung pagka gusto nya dito.

"kaya nga naguluhan ako eh, close kaya kami nun napaka weirdo talaga pero baka may problema lang..siguro sa bago nyang pinopormahan." kwento ni Benjamin at nagsimula na silang maglakad ni Jose Marie sa loob ng campus ng FEU

"sino ba pinopormahan nya? ang ganda naman nya para tanggihan si peter.." puna ni Jose Marie

"si Sandy. yung hot na cheerleader..grabe ang s*xy kaya nun at ang ganda..itong sasalihan natin na fraternity, yung sorority version nya nandun din daw si Sandy. kaya nga sasali ako eh.." nakangiting nakakaloko si Benjie

"akala ko ba kay peter na yun? tsaka akala ko ba nililigawan mo si Jea?" tanong ni Jose Marie

"biro lang naman. nakakainis lang kasi eh, si Jea kasi parang ang labo naman eh, paglumalabas kami ikaw bukambibig, nakakapag date nga lang kami pag may game ka eh kasi gusto nya manood, minsan nagdududa na tuloy ako baka ikaw naman yung gusto ni Jea di ako. oy pare walang sulutan ah? tangina mahal ko yun."

napailing nalang si Jose Marie dahil sa totoo lang nagtapat na sakanya si Jea na gusto sya nito pero dahil alam nyang nililigawan nga ni Benjamin hindi na nya kinausap si Jea ulit di dahil di nya type si Jea sa katunayan nga kung mag gigirlfriend nga sya eh nasa top list nya si Jea at naisip nya ring patulan dahil alam nyang patay na patay ito sakanya yung tipong jojowain nya dahil panlaban nya sa kabaklaan nya kasi umaasa syang magagamot pa yung kabaklaan nya kaso bukod sa mabait nga si Jea eh naunahan sya ni Benjie sa pagporma kaya umatras nalang sya dahil di lang si Jea ang masasaktan nya pati narin si benjamin na sobrang inlove na kay Jea.

50 SHADES DARKER VICE (ViceRylle SPG)Where stories live. Discover now