Chapter 8:Iwas

2.6K 76 4
                                    

Ash POV

Kinakabahan talaga akong pumasok ng school ngayon.

"Anak! Bilisan mo nga dyan kumilos malalate ka na sa school oh" sigaw ni mama mula sa baba.

"Yes mom.Pababa na po" Bahala na nga kung anong mangyari sa akin.

Pagkatapos kong kumain ng almusal ay nagpaalam na ako kay Mom.

Nandito na ako sa school.Kinakabahan talaga ako.Pagpasok ko pa lang ay Iba na ang tingin nila sa akin.Teka lang? Di naman kita mukha ko dun sa picture ah.Pano nilang malalaman na ako yun? Ang tanga mo Ash! Syempre may mga Iba pa sigurong nakakita.Wahh lupa lamunin mo na ako.

"Parang sya yung girl na kasama ni Ryan?"

"Sabi nakita daw sila sa restaurant eh tapos sya daw yung babae"

"Kung sya man yun.Sigurado akong isa lang sya sa paglalaruan at paiiyakin ni Ryan"

Badtrip tong mga babae na to.Mga chismosa.

"Uyy Ash" nagulat ako ng may umakbay bigla sa akin.And it's Ryan.

"Pwede ba! Alisin mo yang kamay mo.daming nakakakita oh"

Agad akong umalis at Pumunta na ng classroom.Classmate ko nga pala sya at katabi ko sa subject na to.Pilit nya akong kinakausap pero di ko sya pinapansin.Kase baka pag kinausap ko sya baka suagudin ako ng mga fangirls nyan.

"Uy ash? Pansinin mo naman ako oh.okay naman tayo kahapon ah"

Hayyyst kulit.

"Jayza? Palit nga tayo ng pwesto"

"Ah sige"

"Bakit di mo pinapansin si Ryan?-Mary

"Kailangan ko yung gawin kase ayoko lang mamatay ng Maaga" kita ko sa mukha nya na naguguluhan sya sa sinabi ko.

"Huh?"

"Basta tsaka ko na papaliwanag sa inyo ni Jayza."

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon