Chapter 20: Foundation Day!

476 18 1
                                    

Ryan POV

"Nays pare may pasundo sundo na kay ash ah.Baka naman naiinlove kana talaga dyan?" pang aasar ni Daniel sa akin

"oo nga pre HAHAHAHA" isa pa tong si Renz

"Wala lang gusto ko lang sunduin.Baka nakakalimutan nyong may usapan tayo" paalala ko sa kanila

Sa totoo lang, maganda si Ash.But I don't like her.Bumalik na kase yung ex ko nung Saturday lang, she's Cassie.Pero iniwan nya ako 1 year ago dahil dun sya nag aral ng high school sa States.Pero ngayon bumalik sya para dito naman magcollege.At dito din sya mag aaral, ewan ko ba kung sinundan ako?

Nung linggo nga lang nagpumilit syang yayain ako magmall syempre di naman ako tumanggi.Medyo galit pa'ko sa kanya dahil sa pag iwan nya sa akin noon, but past is past.Naging part naman sya ng buhay ko kahit papano.

And kung tatanungin nyo kung bakit ako naging gangster? Dahil din sa kanya.Simula nung iwan nya ako, natuto akong bumarkada, mag inom at manigarilyo.Lagi din akong napapaaway.Kaya naging part ako ng ng Gang na tinatawag na "Thunder".

Hay tama na nga masyado na akong napakwento.

"tara pre sali tayo sa mga booth" aya ni Renz

"ge tara na" sabay naming sagot ni Daniel

Ash POV

"Nuyun teh? bakit kasabay mo si Ryan? tapos nakaangkas kapa sa motor nya." tanong ni Jayza

Sabe na issue na naman to eh lalo na dito sa mga bespren kong parang reporter kung magtanong.

"oo nga ikaw ha di ka nagsasabe samen ha sinagot mo na ba si Ry?" tanong pa ni Mael

"kelan pa naging kayo ha? naglilihim kana sa amin." tanong pa ni Mary

"Teka muna isa isa lang.Wala naman siguro ako sa tonight with boy abunda diba? Tsaka pwede ba wag kayong issue, hinatid lang eh sinagot ko na agad? Di pa'ko ready mainlove." paliwanag ko sa kanila.

"sus sasagutin mo din yan." pang aasar pa ni Jayza

"kahit magpustahan pa tayo maiinlove ka din kay Ryan." sabe pa ni Mael

"ano sya na lang ba pag uusapan naten magdamag? tara na magsaya tayo foundation day ngayon" yaya ko sa kanila.

Naglakad lakad na kami sa hallway ng school namin at naghahanap ng kung ano anong booth.

Una naming pinasukan na booth ay yung disco booth.Grabe daming tao.Puro nagsasaya lahat.Para kaming mga tanga dito na talon ng talon at sumasabay sa tugtog.Nakita pa nga namin sila Renz at Daniel eh, nanchichix na naman.Pero di nila kasama si Ryan? Nasan kaya yon? Teka, bat ko ba hinahanap?

Kung saan saang booth pa kami pumasok.Sa Kpop booth, Destiny booth.Natatawa nga ako eh kase nag try si Mary at Jayza sa destiny booth ang nakapartner ba naman nila si Renz at Daniel HAHA.Kami ni Mael hindi na nagtry corny lang non chos.

Napagod na kami kakalibot sa mga booth kaya nagkayayaan na kaming kumain muna sa cafeteria.Pero ayoko pa kumain kaya nagpaalam ako sa kanila na magpapahangin muna ako saglit sa rooftop ng school.

"kain muna kayo dyan guys sa rooftop muna ako" paalam ko sa kanila

"sige bes balik ka agad ha? mag eenjoy pa tayo sa mga booth"

Umakyat na ako papuntang rooftop pero bago pa'ko makapunta ay may narinig akong nag uusap.

Isang lalaki at babae, parang nag aaway sila.Di ko na kase kita medyo padilim na din kase.

"bakit ka ba kase bumalik?" tanong nung lalake

"Because I want to see you.I badly miss you so much.Hindi ka ba masaya na makita ako ulet?" tanong naman nung babae.

"Masaya? Sino namang magiging masaya kapag bumalik yung dahilan ng pagiging miserable ko noon? Galit pa den ako sayo! Sa pag iwan mo sa akin noon.Hindi ganon kadaling kalimutan yon Cass."

"Look, I'm sorry kung iniwan kita.Hindi ko ginustong mag aral sa states.Hindi rin kita ginustong iwan.My parents decide it.I'm really sorry.Please, mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon" naiiyak na sabe ng babae

Masyado na akong tsismosa.Paalis na sana ako ng makita kong hinalikan nung babae yung lalake.Mukhang nashock yung lalake kaya agad syang tumalikod at akmang aalis na.Nang bigla syang niyakap ng babae habang nakatalikod sya.

Wait? Parang pamilyar mukha ng lalake? Ryan? Di ako pwedeng magkamali siya yon.

Bakit nya ako nililigawan? Meron pa pala syang past na di makalimutan.And still, mahal na mahal pa din sya nung babae.

Pinaglalaruan lang ba nya ako?

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon