Chapter 27: Visit

624 17 0
                                    

Ash POV

Umaga.

Andito na pala ako sa bahay.Grabe yung ginawa saken nung mga babae na yon.Panigurado inutusan ni Cassie yon.

Nga pala friday ngayon pero di na muna ako pinapasok ni Mom.Pina excuse naman na nya ako sa school eh.

Bumukas yung pinto at pumasok si Mom na may dalang breakfast.

"Morning! How are you feeling?" tanong sakin ni Mommy tsaka inilapag yung tray ng pagkain sa harap ko.

"Magsisinungaling po ako if I say I'm okay.Actually mom, masakit pa po yung katawan ko lalo na yung tyan ko." sagot ko

"Don't worry sweetie I ask the principal na turuan ng leksyon ang gumawa sayo non!" sabe ni Mom na nagagalit.

Bihira lang magalit si Mom pinakaayaw lang talaga nyang nasasaktan ako emotionally and physically.Mas lalo na si Dad kapag nalaman nya to.

"Sige na eat your breakfast first ng makainom ka na ng gamot tapos mamaya gagamutin pa natin yang mga pasa mo ha.Sa baba muna ako I will call your dad" sabe ni Mom bago lumabas ng kwarto ko.

Kinain kona yung breakfast na hinanda sakin ni Mommy bago ko ininom yung gamot pagkatapos ay nagcellphone na lang ako para mag fb.

May 4 messages ako.Galing kay Mary,Jayza at Mael, at kay Ryan.

Inopen ko muna yung message ni Jayza

Jayza Kwon: Hoy okay ka na ba?

Nagreply ako. (Yeah I'm okay.)

Sunod naman kay Mary

Mary Clarisse Alcala: Musta? Dalaw kami dyan mamaya after class ha.

Inopen ko naman yung kay Mael

Ismael Cho:Uy okay ka na ba? Nabalitaan ko yung nangyare sayo.Nako! Kung di lang talaga ako absent kahapon sinabunutan kona yung mga kampon ni Cassie.Pagaling ka take care punta kami dyan later.

Buti talaga may mga kaibigan ako.

Di ko na binasa yung kay Ryan.Makapagmessage sya sa akin akala nya okay na kami.

––

3pm.

Haba ng tulog ko ah.Sobrang sakit pa kase ng katawan ko.

*tok tok tok*

"come in" sigaw ko

Biglang nagtakbuhan tong mga kaibigan ko papunta saken.

"Bes okay ka lang ba? Anong masakit sayo ha?" tanong ni Mary

"oh wag masyadong oa kita nyo ko buhay pako diba? Hanggang 4pm pa klase ah bat bandito na pala kayo? Kayo ha nagcutting kayo noh?" tanong ko sa kanila.

Natawa naman sila

"Di naten gawain yon noh" sagot ni Jayza

"Mukha lang tayong mga pariwara sa buhay pero mabait tayo noh" sabe naman ni Mael

oo na di naman mabiro tong mga to.

"Wala kaseng last sub may gagawin daw si prof kaya ayun free time HAHAHA" sabe pa ni Mary

Sabagay, kung di lang ako nanghihina ngayon panigurado nasa mall na naman kami neto.

Nagmovie marathon na lang kami dito sa kwarto ko habang kumakain ng snacks.Pinapanood namin yung Wrong Turn.

5pm

Grabe 2 hrs na pala kaming nanonood at puro kwentuhan lang.

"Ash una na ako, may pupuntahan pa kase kami ng ate ko" paalam ni Mael

"sige ingat ka" nakipagbeso na sya sakin.

"Woy sabay sabay na tayo uuwe na rin naman kami eh.Bye bes" habol ni Mary sabay nakipagbeso saken.

"Bye bes see you on monday pagaling ka" sabe pa ni Jayza at nakipagbeso na rin.

Lumabas na sila ng kwarto ko.Di ko na sila hinatid palabas alam naman nilang nanghihina pa ako eh.

Nag fb na lang ulet ako.

bat andami namang message neto ni Ryan.Nacurious ako kaya inopen kona.

Ryan Daniel Chua: Hey Ash, I know what happened to you? Are you okay?

Magreply ka naman.Nag aalala ako sayo.

Pupuntahan kita dyan kahit pa galit ka sakin.

I'll be on my way.

Sineen ko na lang.Sinong nagsabeng pumunta sya?

Nag aalala daw sya sa akin pero bakit sya nag aalala sa akin?

dug dug dug dug

Aish tumigil ka nga puso! Baka pinaglalaruan lang nya ulet ako.

Dami dami ko naman kaseng pwedeng magustuhan bakit sa gangster pa na yon.Galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin pero di pa din mawala tong nararamdaman ko para sa kanya.

"Sweetie" tawag sa akin ni Mom

"Yes po mom?" tanong ko sa kanya

"May bisita ka pa.Papasukin kona ha" Bisita? Omo! Tinotoo ba nung Ryan na yon na bisitahin ako?

Tinotoo nga.Ayan sya pumasok na sa kwarto ko.

"Ash" tawag nya sa akin.

dug dug dug dug

Ano ba tong puso ko? Bat kumakabog ng ganto? Tinawag lang naman nya yung pangalan ko.

Aaminin ko.Namimiss ko din yung okay pa kami.Patawarin kona kaya sya?

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Where stories live. Discover now