Chapter 19: Ride

479 18 0
                                    

Ash POV

Yey it's monday na naman.

Sa totoo lang tamad talaga akong pumasok ng school pero dahil foundation day ayun naexcite ako HAHA

Sinimulan kona ang morning routine ko.Naligo muna ako pagkatapos ay nag ayos ng kaunti at tsaka bumaba para kumain ng breakfast.

"good morning mom! ano breakfast naten today?" tanong ko kay mommy habang nagpeprepare ng pagkain.

Kung nagtataka kayo bakit wala ang dad ko dito? Andun sa Korea nagtatrabaho.May business kasi ang dad ko don kaya minsan lang sya sa isang taon umuwi.Pero okay lang naman yon kahit bihira lang namin syang makasama dahil araw araw naman syang nagvivideo call kay mom.At hindi nya nakakalimutan na umuwi kapag may mahahalagang okasyon.

"Naghanda ako dyan ng bread at kape mo palamanan mo na lang ng scrambled egg dyan o kaya bacon" sagot ni Mom.

"sabay na po tayong magbreakfast mom" aya ko kay mom

"Sige magtitimpla lang ako ng kape ko.Kumain kana dyan baka malate kapa sa klase mo"

"Okay lang po kahit malate ako foundation day naman po sa school namin ngayon." sagot ko at tsaka kumain.

After breakfast ay nagpaalam na ako agad kay mom.

Pagbukas ko ng pinto palabas ay nakita kong nakaabang si Ryan at mukhang inaantay ako.

"good morning" bati nya sa akin habang nakangiti

"morning din! bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya

"sinusundo ka malamang sabay na tayo pumasok dala ko naman motor ko eh" sagot nya sabay turo sa motor nya

Naks marunong pa lang mag motor to.

Oo nga pala gangster sya, syempre pandagdag badboy looks din sa kanila kapag may motor.Pag gwapo chos.

"bakit naman sinundo mo pa ako? mamaya issue na naman to sa school awayin pa'ko ng fansclub mo dyan" pabirong sabi ko sa kanya

"wag mong isipin yung sasabihin ng iba.Wala naman silang magagawa gusto kitang isabay eh.At tsaka isang buwan na din akong nanliligaw sayo di mo pa din ako sinasagot"

Ayoko na nga makipagtalo, pag gusto neto talagang mapapa oo ka na lang

konsensya: "sus gusto mo din naman umangkas"

ano ba naman tong pinag iisip ko!?

"sige tara na baka malate pa tayo sa school" agad kong sabi

"wait a minute" pagkasabi nya non kinuha nya yung isang helmet at isinuot sa akin.Awtomatiko akong napatingin sa kanya.

Dug dug dug dug

Sa totoo lang gwapo si Ryan.Lalo na kapag malapitan.Sino ba namang babae ang di mababaliw sa kanya.Meron syang mahaba at magandang pilik, matangos ang ilong, ang perfect pa ng labi.Basta kung titignan mo sya ang perfect nya.

Teka masyado ko na syang pinupuri at tsaka ano ba tong pinagsasabe ko?.

"kailangan safe tayo habang nagraride." sabe nya

"ah o-oo nga haha tara na" bat ba ako nauutal shutaa!

Sumakay na sya sa motor nya kaya agad din naman akong sumakay.

"hawak kang maigi sa'kin baka mahulog ka"

Humawak ako sa balikat nya nag aalinlangan pa nga ako eh.

"nakahawak na ako bakit di mo pinapaandar? malalate na tayo" nagtatakang tanong ko.

Kala ko aalis na pero bakit di nya pa pinapaandar? Potek

"wag ka dyan sa balikat humawak, dito sa bewang ko para mas safe" sabe nya

What? Bakit kailangang sa bewang pa? Para paraan din tong mokong na to eh.

"okay na yan kakapit na lang akong maigi sa balikat mo basta wag mo lang bilisan pagpapaandar"

Di pa din nya pinaandar.

Nagulat ako nang nilagay nya ang kamay ko sa bewang nya.

"h-hoy ano ba? sabe ko okay na yon eh" nauutal kong sabe sa kanya

"Wag mona alisin dyan mas safe pag dyan ka nakakapit baka isipin mo tsansing ako.Gusto ko lang na safe ka hanggang sa makarating tayo ng school.Understand?" paliwanag nya

Hay wala naman akong magagawa.Baka malate pa kami.

"sige tara na"

Agad nyang pinaandar ang motor nya.Medyo malayo pa kase sa bahay namin yung school kaya palagi akong pinapahatid ni Mom sa bodyguard namin.

Pero ngayon nagpumilit tong mokong na to na sabay kaya pumayag na ako.

Safe naman kaming nakarating sa school at nag uumpisa nang ayusin yung mga booths at program para sa foundation day namin mamaya.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Where stories live. Discover now