Chapter 26: Worry

649 19 3
                                    

Jayza POV

Matatapos na tong klase di pa den bumabalik si Ash galing cr.

Di kaya nagcutting na yon? De jok minsan tamad lang yon pero mabait yon HAHA

"Woy Mary!, tara hanapin nga naten si Ash" sabe ko sa kanila.

Agad naman syang sumunod sa akin at sabay naming hinanap si Ash.

"Alam ko sa cr sya kanina. nagpaalam sya sa prof naten tapos di na bumalik? San kaya nagpunta yon?" takang tanong ni Mary

"Aba malay ko kaya nga hahanapin eh.Tara hanapin naten sa mga cr" naiinis kong sabe kay Mary

"HAHA gg ka naman masyado tara na nga"

Hinahanap namin sa 1st floor na cr ng girls.Wala.Pati sa 2nd floor.

Paakyat na kami ngayon sa 3rd floor.

Binuksan namin agad yung pinto ng cr at don namin nakita si Ash na walang malay.

"Ash hoy, hoy!" pinipilit ko syang gisingin.

"Anyare sa kanya? Sinong may gawa neto? Andami nyang pasa" Mary

"Mamaya kana magtanong kapag nagising na sya, tumawag ka muna ng tutulong saten para dalhin sya sa clinic" natatarantang sabe ko.

"Okay sige sige" agad na tumakbo si Mary

Ryan POV

Natapos na yung klase pero andito pa kami sa court at nagpapractice ng basketball.

Si Ash galit pa rin saken, hayaan ko muna sya.Alam kong malaki kasalanan ko sa kanya.

Nga pala, di ko na sya nakita kanina after nyang magpaalam na magccr lang sya.Nuyun? Nag cutting?

Nakita kong hingal na hingal na tumatakbo si Mary papalapit dito samen.

"Ethan! Ethan!" sigaw nya sa kaklase naming lalake na kasama namin sa paglalaro ng basketball.

"Oh baket Mary? Hingal na hingal ka ah.Bat ka ba nagmamadali?" tanong sa kanya ni Ethan.

"Ah eh kailangan ko kase ng tulong nyo kayo na lang ni Ken, ayoko kaseng humingi ng tulong sa iba dyan" sabe nya at parang nagpaparinig pa sa amin.Sabagay bespren to ni Ash eh, malamanv galit din to sa amin.

"Tulong? Para san?" tanong ulet ni Ethan

"Si Ash kase walang malay nakita namin sya sa cr na puro pasa.Ayun basta tara na bilisan mo" pagkasabi nya non ay nagmadali na siya kasama si Ken at Ethan.

Ano!? Si Ash!?

Agad akong nagmadali at sumunod sa kanila.

Pero di ko naman alam kung saang cr? Hanggang 4th floor pa naman tong school namin.

Nandito kami sa 2nd floor nagpapractice kaya dito muna ako naghanap.Wala.

Bumaba ako sa 1st floor at naghanap ulet.Wala.

Sang cr ba yon!? Damn! Nag aalala na'ko sa kanya.

Nagmadali akong pumunta sa 3rd floor wala din pati sa 4th floor.Napadaan ako sa clinic at nakita kong lumabas don si Ethan at Ken.

"Mga brad andyan sila Ash?" tanong ko sa kanila

"Oo nasa loob ginagamot na si Ash tapos tatawagan na lang yung Mom nya para masundo sya" sabe ni Ken at umalis na sila.

Pumasok ako sa clinic at nakita ko don si Ash na nagpapahinga na.

"Sinong nagsabeng pwede ka dito?" mataray na salubong saken ni Jayza

"Narinig ko yung nangyare sa kanya.Nag aalala lang ako kay Ash." sabe ko pero tinawanan lang nya ako.

"Really? Nag aalala ka sa kaibigan namin? Eh diba sinaktan mo sya? Pinaglaruan nyo sya ng mga tropa mo.Dare lang yung panliligaw mo kay Ash kaya bat ka mag aalala sa kanya? Ano yon!?" mataray pa ding sabe ni Jayza saken.

"Totoong nag aalala ako sa kanya bat ba ayaw mong maniwala?" tanong ko

"Kung pwede lang Ryan umalis kana dito.Nakita mona si Ash.Okay pa sya buhay pa.And wag ka ng magtanong kung bakit di kami naniniwala sayo na nag aalala ka sa kaibigan namin.Ikaw mismo makakasagot nyan.Isipin mo yung ginawa nyong panloloko sa kanya.Maya maya lang susunduin na sya ng Mom nya kaya pwede umalis kana." sabe pa ni Mary.

Alam ko namang malaki kasalanan ko kay Ash eh.Pero nagsisisi na'ko don.

At yung pag alala ko sa kanya ngayon, totoo to.Di ko alam pero nung narinig kong may mga pasa si Ash at walang malay nag alala talaga ako sa kanya ng sobra.

Lumabas na'ko dahil baka magalit pa sila saken at baka magising pa si Ash.

Bibisitahin ko na lang sya sa bahay nila kung sakali.Sana mapatawad na nya ako.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Место, где живут истории. Откройте их для себя