Chapter 25: Mean girls

684 19 1
                                    

Cassie POV

Andito ako ngayon sa taas ng rooftop ng school dahil gusto akong kausapin ni Ryan.

Omg? Makikipagbalikan na ba sya saken? Narealize na ba nyang mas worth it ako kesa don sa Ashlyn na yon?

Andyan na si Ryan.Papalapit na sya saken.

Yayakapin ko sana sya ng bigla syang umiwas.

"Kaka transfer mo lang sa school tapos nag iskandalo ka agad? Nag iisip ka ba Cass?" seryoso nyang sabe saken

Iskandalo?

"What are you talking about?" tanong ko sa kanya

"Wag ka ng magmaang maangan.Alam ko yung ginawa mo kay Ashlyn." iritado nyang sabe

"Wala akong ginawa sa kanya.Sinabe ko lang yung totoo mali ba yon? And sinabe ko din na layuan ka nya." sabe ko sa kanya

Mas lalo syang nagseryoso.

"Diba nag usap na tayo na hindi mo sasabihin sa kanya lahat ng sinabe ko sayo na dare lang ang panliligaw ko sa kanya.Gusto ko na ako mismo ang magsasabe sa kanya." pinipilit nyang kumalma habang sinasabe sa akin yon.

"Hindi ba mas okay ng alam nya agad.And besides walang masama sa sinabe ko, nagsabe lang ako ng totoo para di na sya umasa sayo.At tsaka mahal na mahal pa din kita Ryan, please bumalik kana sakin.Bumalik na tayo sa dati.Wag mo ng problemahin yung babae na yon."

"Pwede ba Cass tumigil kana.Wala ng tayo at mas lalong hindi na magiging tayo.Hindi na kita mahal, matagal na akong naka move on sayo kaya wag mo na'kong kulitin na makipagbalikan sayo.Pwede ba yon, Cass?" pagkatapos nya yung sabihin ay akmang aalis na sya ng mapatigil sya sa tanong ko.

"Why? Do you already love Ashlyn?" tanong ko sa kanya.

Agad naman syang napahinto.

"Yeah, I think I'm inlove with her.Kaya please lang tigilan mo na ako, lalong lalo na si Ash." pagkatapos ay non ay tuluyan na syang umalis.

"Argh! I will promise to you na babalik ka din sakin! At yang Ashlyn na yan sisiguraduhin kong hindi sya magiging masaya!"

Ash POV

Papasok na ako ng school ngayon.

Buti na lang hindi na ako kinulit ni Ryan kagabi.

"Huy bes okay ka lang ba?" salubong na tanong sa akin ni Mary

"oo naman why?" sabe ko sa kanila

"Kalat kase sa social media yung sagutan nyo ni Cassie.Nakakahiya lang kase parang nagmukha kang mang aagaw ng jowabels" sabe naman ni Jayza

"Tsk I don't care.Pag usapan nila ako kung gusto nila.At tsaka pwede ba hayaan nyo na nga sila.Magsama sama sila kung gusto nila." iritado kong sabe at umupo na sa upuan ko.

Absent nga pala si Mael ngayon.May emergency daw sa kanila ngayon.

Nagkaklase na kami ngayon at pangatlong subject na.

Di ko pinapansin sila Ryan pati yung mga kaibigan nyang sila Renz at Daniel.Galit ako sa kanila.

Naiihi na ako.I raised my hand at nagpaalam sa prof na magccr lang.

Palabas na sana ako ng cr ng bigla akong hinarang ng tatlong babae.Di ko sila pinansin at akmang aalis na sana ako ng bigla akong patirin ng isang babae.

"Ano bang problema nyo?" tanong ko sa kanila.

"Ikaw."

Bakit naman ako? Sa pagkakaalam ko wala naman akong kaaway dito sa school except kay Cassie.

"Ako? Bakit ako? Hindi ko nga kayo kilala.Excuse lang ha" sagot ko sa kanila bago lumakad ulet.

Pero di pa ako nakakalayo ay biglang hinatak ng isang babae yung buhok ko at isinama aki papasok sa cr at tsaka nila nilock.

"We're Cassie's bestfriends.At sa tingin mo ba hahayaan naming agawin mo sa kanya si Ryan? Pwes hindi!" pagkasabi niya non ay bigla nya akong sinampal ng dalawang beses.

"Kahit kelan hindi ko inagaw sa kanya si Ryan! Kaya pwede ba tigilan nyo ko" agad kong tinulak yung isa pang babae kaya napaatras sya at napaupo sa sahig.

Tatayo na sana ako ng bigla naman akong tinadyakan ng isa pang babae pagkatapos at hinawakan ako ng madiin sa buhok ng isa pang babae.

Agad na tumayo yung tinulak kong babae kanina at sinipa ako sa sikmura ko kaya agad akong napa 'aray'.Pagkatapos ay hinatak yung buhok ko papunta sa drum na may tubig at tsaka nilublob yung mukha ko ng paulet ulet.

Nanghihina na ako.

"Mali ka ng kinalaban girl.Kapag nalaman pa naming dumidikit dikit ka kay Ryan o kahit kausapin man lang sya.Di lang ganto gagawin namin sayo tandaan mo yan!" sabi ng isang babae pagkatapos ay binitawan nya ang buhok ko tsaka ako tinulak.

"Okay na siguro yan para magtanda sya.Let's go girls" sabe pa ng isang babae bago sila tuluyang umalis at iniwan ako sa cr na nanghihina.

Hanggang sa nawalan na'ko ng malay.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Where stories live. Discover now