Chapter 37: Official

625 25 0
                                    

Ash POV

Di na muna kami bumalik sa dorm.namin ni Ryan.Nakaupo lang kami sa tabing dagat at pinagmasdan yung buwan at mga butuin.

Nakaupo kami sa buhanginan at nakaupo.Nakahiga yung ulo ko sa balikat nya.

"I love you Ash" biglang sabi nya

Nagulat ako kaya hinampas ko sya

"Dapat I love you too hindi hampas" nakasimangot nyang sabe

"Wag ka ngang sumimangot dyan di bagay sayo." pang aasar ko sa kanya

Tawa lang ako ng tawa sa kanya ng bigla syang magseryoso at tinignan ako.

"B-bakit ka ganyan ka makatingin?" nauutal kong sabe.

Tinititigan pa din nya ako.

Pero buti naman nagsalita din sya.

"You're so pretty" sabi nya

Namula naman ako sa sinabe nya.Maganda daw ako? Enebe chos

"Yeah I know haha" pabiro kong sabi

Ngumiti naman sya.Shet ang gwapo please lang.

"I know I'm asking you this too early" sabi nya

Pabitin much naman to.Ano bang itatanong nya? Na kung gusto ko bang sumama sa kanya at magtanan na kami? Na magpakasal na kami? Enough dami kong iniisip masyado.

"Ashlyn Monteverde will you be my girlfriend?" tanong nya na ikinagulat ko

Is this for real? He's asking me to be his girlfriend my golly!

"Bat parang ambilis naman? Di ka pa nga nanliligaw sakin eh" pabiro kong sabi sa kanya

Nalungkot naman sya.

"So it's a no? It's okay I understand.Naiintindihan ko naman kung hanggang ngayon di pa din buo tiwala mo sa akin baka nga unti unti ng nawala yung feelings mo sakin eh.Baka si Drake na talaga yung gus—" naputol yung sasabihin nya.

I kissed him.Nagulat sya.And then he respond on my kisses.Nagtagal din ng 10 seconds yung kiss namin.

"Overthinker mo naman masyado.You know how much I love you right? Kaya my answer is Yes, I'm accepting you to be my boyfriend" masayang sabi ko sa kanya

Napangiti naman sya at niyakap ako.

"Thank you.Pangako ko sayo na di ko na sasayangin yung tiwala mo sa akin.I promise that.I love you Ashlyn Monteverde"

Natouch naman ako don.

"I hope so.I love you too Ryan Daniel Chua."

Kumalas sya sa yakap at tinitigan ako.Unti unti syang lumapit.Napapikit na lang ako.Naramdaman ko na lang yung labi nya sa labi ko.

We're both kissing passionately.

So it's now official.Boyfriend ko na yung gangster na to.Sana maging masaya kami at sana wala ng manggulo sa relationship namin.

Yare ako sa mga kaibigan ko.Baka kanina pa ako hinahanap non.

"It's getting late balik na tayo sa dorm natin baka hinahanap na nila tayo" sabi ko

"tsk bitin naman yung kiss" reklamo nya kaya hinampas ko sya

"tara na nga" hinawakan nya ako sa kamay at tsaka kami naglakad pabalik ng dorm

HHWW kami haha Holding Hands While Walking

Nakarating na kami sa dorm namin ng magkahawak kamay pa din

"Goodnight love have a sweetdreams" then he kissed me in my forehead

"Goodnight" sabi ko

Pumasok na kami ng sabay sa dorm namin.

"Ano yon ha?" tanong ni Mary

Pagpasok ko nakita kong nakatayo silang tatlo at nakatingin lang sa akin.

"Goodnight love have a sweetdreams" panggagaya ni Mael sa sinabe ni Ryan kanina.

Nga pala bat nandito to si Mael?

"Nuyun teh? Bakit may paganon? Kanina ka pa namin hinahanap magkasama lang pala kayo nung ugok na yon" sabi pa ni Jayza

Mala reporter na naman tong mga kaibigan ko ah

"Pwede ba umupo muna tayo kukuwento ko sa inyo" sabi ko sa kanila

"wait bago ka chumika dyan ako muna may chika sayo" sabi ni Mary

"Buti wala sila Cassie dito.Nagpalipat sa ibang dorm tapos itong si Mael pinayagan na dito sa dorm natin." sabi pa ni Jayza

Daldal ng mga to.

"Ano ba kase yung chika nyo?" inip kong tanong

"Eto na nga diba kanina naglalaro tayo ng truth or dare.Nung hinalikan ni Cassie si Ryan nag walk out ka diba? Alam ko namang nagselos ka eh pero dapat di ka umalis sayang di mo nakita" kwento ni Mary

"oo nga sayang di mo nakita" sabi pa ni Mael

Anong di ko nakita?

"Pabitin lang? Ano ba kase yung di ko nakita?" tanong ko ulit

"Di mo nakita na sinampal ni Ryan si Cassie" biglang sabi ni Jayza

Talaga ba? Sinampal ni Ryan si Cassie na ex girlfriend nya? Sabagay gangster si Ryan kayang gawin lahat pero bakit naman nya sinampal?

"Bakit nya sinampal?" takang tanong ko

"Engot ka rin eh noh.Syempre ikaw ba naman biglang halikan di ka mashock.Nag walk out ka kase agad eh" sabi ni Mael

Ah dahil pala sa kiss.

"Nga pala mga bes.May sasabihin ako sa inyo"

Lumaki naman mga mata nila.

"Kinakabahan naman ako sayo" sabi ni Mael

"Wait bes di pa ako ready maging ninang" sabi naman ni Mary at nagkunwari pang naiiyak

"Oh my!? May nangyare na sa inyo ni Ryan? Buntis ka na? Ilang buwan na yan!?" sigaw ni Jayza

Hinampas ko nga isa isa.

"Kahit kelan talaga napaka oa nyo.Patapusin nyo muna kase ako" sabi ko sa kanila

"Ano ba kase yon?" sabay sabay nilang tanong

"Kami na ni Ryan.We're now official couple" diretso kong sabi

"congrats bes I'm happy for you" sabi ni Mary

"Alam naman naming matagal mo ng gusto si Ryan kaya as long as you're happy, happy na din kami" sabi pa ni Mael

"Finally di na sya one sided love haha" sabi ni Jayza

Nag group hug kami at natulog na dahil maaga pa kami babyahe bukas pabalik ng Manila.

****

Copyright © Cristine Gonzales
(cristine_gnzls)

Accidentally In Love With A Gangster (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora