2. The Purging

141K 4.4K 618
                                    

"Fear does not exist in a brave and faithful heart..." I remember my father told me that once. I never learned that until now that fear and death are about to defeat me.

Sana hindi ko lang pinakinggan ang mga pangaral niya, sana isinabuhay ko ang mga 'yon.

Sana...

Isang segundo lang ang tsambang nalagpasan ko bago nagpakawala ang gate ng isang malakas na kidlat at sinunog ang mga papatawid pa lamang. Napatakip ako ng tainga sa sobrang lakas ng pagsabog na binuo nito bago tuluyang nagsara. Nagpapakawala pa ito ng mga hibla ng kuryente sa bawat bakal na bumubo dito. Isang senyales ng pagbabadya na tapos na ang gate of test at magsisimula na ang purging para sa mga napagsarhan. Nasa dalawampu ang nasa labas ng gate, higit sa apatnapu naman ang ligtas na nakapasok. Nakaabang kaming nasa kabilang dako ng gate kung anong mangyayari sa mga naiwan.

Isang malakas na sirena mula sa kalangitan ang gumulantang sa aming lahat. Binahiran ng takot ang mga nasa labas ng gate nang magdilim ang langit na sinundan ng magkahalong pagkidlat at pagkulog.

"Magsisimula na ang purging!" takot na sabi ng magandang dalagang kanina ay nag-alala saakin. Simputi ng nyebe ang buhok nito na lagpas balikat. Asul ang mga mata nitong napapaligiran ng makapal na talukap, porselana ang kutis -mukha siyang diyosa. Sa itsura nito'y mukha siyang taga Westeros.

"Tignan niyo! May mga bumababa mula sa mga itim na ulap!" Sigaw nung isa sa di kalayuan habang lahat ay nakatingala sa nagkukumpulang ulap na animo'y bumubuo ng isang black hole sa kalangitan. Isang bagay na unang beses ko pa lang nakita.

Nakaitim na roba na may hawak na kumpay ni kamatayan. Walang mukha at tanging mga pulang matang nagingislap ang naaninag sa loob ng talukbong ng mga ito. Ang mga kamay ay parang naagnas na at nangingitim kasama na ang mahahabang kuko.

"MGA DEATH GRINDER..." nanginginig na pahayag ng batang nasa likuran ko.

"Sila ang magsasagawa ng purging para sa mga hindi nakapasa sa unang pagsubok. Lagot na, walang ititirang buhay sa kanila. Papatayin ang mga hindi nakapasok sa gate." Nanginginig na pahayag ng isa pang babae.

"TUMAKBO NA KAYO!" sigaw ng magandang dalagang may puting buhok.

Bago pa man makatakbo ang iba ay napalibutan na sila ng mga nakakapangilabot na death grinders. Nagtangkang manlaban ang ilan at nagpamalas ng kanya-kanyang kapangyarihan. Mga kapangyarihang hindi pa nahahasa. Nagtapon ng isang maliit na fire ball ang isang binatilyo. Tila hindi ito umabot sa kinatatayuan ng isang kampon ni kamatayan dahil nagvaporized ito nang kusa. Ang iba'y tumili na lamang at sumigaw para makahingi ng saklolo.

Durog ang puso ko nang makita ko ang isang batang babae na nasa edad labing isa pababa nang tangkain nitong lumuhod sa harap ng death grinder at walang anu-ano'y kinitilan ito ng buhay ng walang pag-aalinlangan.

"Christina!" Sigaw ng isang lalaking nasa edad disi y otso. Marahil ay nakatatandang kapatid ito ng pinaslang na batang babae. Lumapit pa ito sa tarangkahan at pinilit buksan ang lagusang puno ng kuryente. Sa kasamaang palad ay hindi na ito nakawala sa pagkakakapit sa bakal na gate at namatay ito sa tindi ng kuryenteng tumama sa katawan niya. Nasunog ang katawan nito at naging abo, unti-unting yinupos ng hangin ang mga bahagi nito.

Hindi ko kinaya ang eksena.

Naalala ko ang kapatid kong si Cael dahil sa nakita. Dahil sa tindi ng patayang nagaganap sa mismong harapan ko, tumalikod na lang ako habang nakatakip ang aking mga palad sa aking tainga. Hindi ko mapigilang umiyak at manginig sa sobrang takot.

Sigaw. Tili. Hiyaw. Mga boses na binuo ng takot. Hindi ko nakayanan ang takot. Unti-unti akong nilalamon nito habang tumatagal ang purging. Kaya pala wala nang nakakabalik sa mga batang kinukuha para sa pagsusulit dahil pinapatay ang mga hindi pumapasa. Isang bagay na hindi ko lubos maisip.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon