Chapter 25: Hatred and Forgiveness

1.7K 72 48
                                    

Chapter 25: Hatred and Forgiveness

“Chalstine! Ayan na si Ironic_Volvo! Susugurin ka na!” malakas na sigaw ni PJ.

 

“Teka, bakit nagiiba ang mukha nu’ng character nya?!” napatingin ako ng maigi sa screen ng computer na gamit ko ng marinig ko ang boses ni Dave.

 

Muntikan ko ng mahampas ang screen. Naging kamukha ni Virgo ang sumusugod sa aking si Ironic_Volvo! Singkit na singkit ang mga mata nya. Bakit ganun? Mukha nya ang nasa katauhan ng character ni Ironic_Volvo?

 

“Barilin mo Cha, mamamatay na ‘yung character mo!” Naalala kong pindutin ang key sa keyboard, malalagot na ako nito. Paniguradong patay ang character ko.

 

Hindi pa nanaalis ang tingin ko sa screen ng may pagbabago na naman akong mapansin.

 

“Oh! Nagiba na naman ‘yung mukha ni Buwakaw!” nakakabinging sabi ni Steven.

 

Sa pagkakataong ito, mukha na ni Kuya Evo ang nakikita kong nasa character ni Ironic_Volvo.

 

Nagkusot ako ng aking mga mata sa pagaakalang baka namamalikmata lamang ako. Pero hindi talaga, mukha ni Kuya Evo ang nakikita ko. Sa buhok pa lang, halatang sya na sya nga.

 

Maya-maya, para na lang may kung anong nangyari sa TLC at may sumabog. Napahinto kami sa paglalaro at nagtaka kung bakit bigla na lang namatay ang mga monitor namin. Nakatingin pa rin ako sa monitor ng mapansin kong may dalawang mukha ang namumuo sa screen. Mukha ni Kuya Evo at Virgo. Nakasuot sila ng costume ni Ironic_Volvo.

 

Bigla na lang silang naglabas ng armas at nagbarilan. Ano bang nangyayari?

 

“Ako si Ironic_Volvo!” sigaw ni Kuya Evo.

 

“Hindi, ako si Ironic_Volvo!” galit na sabi naman ni Virgo.

 

Naguguluhan ako sa nangyayari. Hanggang sa..

 

“Ate! Ate may tao sa labas! Hinahanap ka! Gising!” nagmulat ako ng aking mga mata dahil sa panggigising sa akin ni Justin.

Panaginip lang pala ang lahat. Grabe naman, hanggang sa panaginip ko dinadalaw pa rin ako ng Ironic_Volvo na ‘yan. Pati na rin ang dalawang lalaki na gumagamit sa account nya. Hindi ito maganda.

Marahan akong bumangon at umupo sa kama, kagagaling ko lang sa ospital kagabi kaya hindi pa ako gano’n ka-okay. Pero okay naman na daw ako sabi ng doktor, pahinga lang ang kailangan kong gawin. May konti pa akong sipon at ubo dahil sa pagpapabasa ko sa ulan. Medyo masakit pa ang ulo ko, pero kaya ko naman na.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon