Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up

3K 80 62
                                    

Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up

Kinakabahan ako. Kahit hindi ako naiihi, parang gusto kong tumakbo sa CR para magbawas. Kumukulo ang tyan ko sa kaba tulad na lang sa tuwing tatawagin ng teacher ko sa Math ang aking pangalan para magsolve sa blackboard. Nanlalamig ang kamay ko kahit na napakarami namang tao ngayon at karamihan nga ay pawisan na.

Hindi maalis ang aking tingin sa stage. Direkta sa nakalettering sa stage. “The Revelation: Ironic_Volvo”

Ito na talaga, ito na ang araw na pinakahihintay ko. Akala ko nung una, hindi ganito ang mararamdaman ko. ‘Yun bang parang ordinaryong feeling lang, maiinis ako at maeexcite dahil sa wakas makikita ko na ang hitsura ng lalaking palagi na lang nagpapababa ng character level ko. Pero mali ako, hindi na ako naiinis. Naeexcite na lang ako na may halong sobrang kaba.

“Tara! Upo muna tayo!” nagmamadaling lumapit sina Dave sa pangatlong row ng mga upuan mula sa stage. Sakto naman dahil may lima pang bakanteng upuan.

Sumunod ako sa kanila at mabilis ding inilapag ang pwetan ko sa upuan.

Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko habang nagdadatingan ang ibang clans ng TLC. May voice over pang walang tigil sa pagpapasalamat sa mga sponsors at nagbibitiw ng kaexcite-excite na mga salita. Kesyo sampung minuto na lang daw magsisimula na ang program kaya magsiupo na raw ang lahat at ihanda ang sarili sa malaking surpresa nila. Malamang, si Ironic_Volvo lang naman ‘yung surpresa nila ngayon sa annual meet up.

Pinagmasdan ko ang paligid. Puro nagkukumpulang mga clans lang ang makikita. Lahat sila nagkwekwentuhan, ‘yung iba nagkakamustahan. ‘Yung iba nagaasaran samantalang ‘yung iba nagkakahiyaan pa.

Sinubukan kong alamin gamit ang aking mga mata kung nandito na ba ang UFC pero hindi ako nagtagumpay. Wala akong nakitang lalaki na kagaya ng dimple ni Kuya Ivan, wala ring katulad ng mga matang chinito ni Virgo, hindi ko rin makitaan ng kahit anong senyales mula kay Kuya Evo dahil wala naman akong makita na kagaya ng hairstyle nya. Pati ang kagwapuhan ng Kuya Dustin ko wala din.

Pupunta kaya sila? Kahit ibang kaclan nila na namumukhaan ko wala ngayon. Bakit kaya? Ngayon ipapakilala si Buwakaw pero wala ang kaclan nya? Wala man lang moral support mula sa mga kaibigan nya?

“Bili tayong pagkain.” Aya ni Aaron.

“Wala na akong pera. Pamasahe lang ang dala ko eh, parehas kami ni Cha.” Komento ni Steven.

“Libre mo na lang sila Dave. Mayaman ka naman eh.” Si PJ, kinantyawan pa si Dave. Para namang manglilibre sya.

“Tsk! Tupipti lang ang pera ko! Sige na nga! Oh samahan mo ako Steven!” tumatawang sumunod si Steven kay Dave.

Sina PJ at Aaron naman parang mga timang na nagkwekwentuhan lang. Nanatili lang akong tahimik habang nakikiramdam sa magiging pangyayari. Mas mabuti sigurong hintayin ko na lang sina Kuya Dustin. Pero wala pang limang minuto, mukhang napansin na agad nila Aaron ang katahimikan ko.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Where stories live. Discover now