Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.

3.6K 79 31
                                    

Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.

Rumihistro sa mukha ni Kuya Ivan ang pagaalala. Hindi ako sanay na bigla na lang syang magiging seryoso sa akin o kahit na kanino. Kaya ang ganitong pagbabago nya ng aura ay talaga namang nakakabahala. May mali ata.

“Bakit Kuya Ivan? Bakit nalintikan na si Kuya Evo?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

Napakamot ng ulo si Kuya Ivan, tumayo sya at nagpabalik-balik ng paglalakad. Sa kanan, sa kaliwa, sa kanan ulit tapos babalik sa kaliwa. Nakakahilo syang tingnan sa ginagawa nya. Habang patuloy sya sa paglalakad nya ng ganun, sige din ang paghimas nya sa kanyang baba.

“Kuya Ivan! Nakakahilo ka!” napakusot ako ng mga mata sa ginawa nya. Totoong nakakahilo syang tingnan.

“Teka lang, nagiisip ako. Huwag kang magulo dyan. Panggulo ka eh.” Hindi nya ako pinansin, patuloy lang sya sa paglalakad nya.

“Eh di maupo ka na lang magisip. Seryoso Kuya Ivan, ang sakit mo sa ulong panoorin.” Napakunot ako ng ulo tapos kunwari ay naghihilot ng aking sintido.

Bigla ngang umupo si Kuya Ivan sa sofa tapos tumingin sya sa akin, yung seryosong tingin talaga. Kinabahan ako sa kanya dahil hindi nagbabago ang hitsura nya. Napaurong ako sa upuan dahil sa takot ko sa kanya.

“Kuya Ivan, bakit ba ganyan ka makatingin?” napalunok ako pagkatapos kong magsalita.

“Margarette, si Evo..” tanging bibig lang ni Kuya Ivan ang gumalaw.

Anong mayroon kay Kuya Evo? Bakit?

“Malalagot si Evo. Tsk!” biglang napakamot ulit si Kuya Ivan, pero yung mukha nya biglang parang naging comedy ang hitsura. Hindi ko tuloy napigilang hindi matawa sa kanya.

Kuya naman! Akala ko naman seryoso ka na dyan dahil sa kung anong bagay, yun pala si Kuya Evo lang. Pero bakit malalagot si Kuya Evo? At saka kanino naman?” naguguluhan na ako ngayon kay Kuya Ivan. Ang wirdo naman nya ngayon.

“Nung una hindi ko ito naisip na pwede itong mangyari. Habang tumatagal hindi din ito pumasok sa isipan ko. Ang akala ko imposible yun pagdating sa kanya, pero ngayon masasabi kong may pagbabago. Tarantado talaga.” Patuloy lang sa pagsasalita sa kanyang sarili si Kuya Ivan, nababaliw na ba sya?

 

“Hoy Kuya Ivan, naaano ka ba? Kanina ang seryoso mo, tapos naging nakakatakot ka. Maya-maya tumawa ka bigla at ngayon naman nagsasalita ka na magisa. Naku Kuya Ivan, sinasabi ko sa’yo masamang senyales yan. Pangitain yan, baka mabaliw ka na talaga.. Tsk.. Tsk.. Tsk..” umiling-iling ako, niloloko ko lang sya.

 

Tiningnan ako ni Kuya Ivan tapos pinitik ako sa aking noo. Ang solid ng pitik nya dahil talagang masakit. Pakiramdam ko bumaon sa utak ko ang daliri nya.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon