Chapter 15: Oo

3.1K 73 51
                                    

Chapter 15: Oo

Isa-isang nagsilingunan ang mga member ng UFC na nasa stage. Lahat nang mga mukha nila tiningnan ko talaga at kumpirmado, si Virgo nga talaga ang lalaking inaabangan ng lahat ng TLC players.

 

“Chalstine! Di ba sya ‘yung lalaking kaibigan ng Kuya Dustin mo?” para akong nabingi sa malakas na pagkakasabi nun sa akin ni PJ.

“Oo nga! Sya ‘yung madalas na dumadalaw sa inyo.” Dagdag ni Dave.

“Akalain mo ‘yun! Dati pa pala natin nakita ‘yung Ironic_Volvo na matagal na nating gusto malaman kung sino!” ang laki ng ngiti ni Steven habang manghang-mangha pa rin sa nalaman nya.

Ang mga kasama ko maging ang iba pang players ng TLC halatang positibo ang tingin sa nangyayari ngayon, pero ako gulat na gulat pa rin.

Sa tatlong mga kaibigan ni Kuya Dustin, sigurado naman ako na isa nga sa kanila si Buwakaw. Dapat matagal ko nang hinanda ang sarili ko sa magiging resulta. Dapat matagal ko nang tinanggap na maaaring kahit ayaw ko man, wala pa rin akong magagawa. Siguro mahirap lang talagang maniwala sa isang bagay na hindi ‘yun ang inaasahan ko. Kaya siguro nahihirapan akong maniwala agad sa nakikita ko, dahil hindi ‘yun ang gusto ng puso ko. Sana si.. Ay naku, erase! Erase!

“Tara na, uwi na tayo.” Tumayo na ako at nagayang umuwi.

Hindi ko na kayang magtagal pa, tutal tapos na rin naman ang event. Napakita na kung sino ang revelation ng annual meet up ngayon. Wala rin naman sina Kuya Dustin, pati ang dalawa nyang kaibigan na madalas nyang kasama sa bahay wala rin. Tanging si Virgo lang at ibang members nila ang nandito, sa kung anong dahilan ‘yun ay hindi ko pa alam sa ngayon. Aalamin ko pa lang kay Kuya D mamaya pagkauwi ko sa bahay.

Hanggang pagdating sa jeep walang pa ring tigil ang mga bibig nila Aaron sa kakabanggit nang pangalang Ironic_Volvo, rinding-rindi na nga ako pero hindi ko naman sila mapigil. Hinayaan ko na lang sila kahit na ang totoo, masyado nang nakakaumay. Isa pa mas lalo tuloy akong napapaisip.

Naghiwa-hiwalay kaming hindi pa rin ako nagsasalita. Sinabi ko lang na masakit ang ulo ko kaya hindi ako masyadong nakikisali sa usapan. Hindi naman na nila ako kinulit.

Si Kuya Dustin ang una kong nakita pagpasok ko ng pintuan. Nagsusulat sya ng kung ano sa isang papel.

“Oh, Margarette. Buti hindi ka ginabi.” Maayos naman ang bati sa akin ni Kuya Dustin, ang iniisip ko pagagalitan nya ako dahil baka nagbanggit ako nila Ate Erica sa kanya.

“Ah opo.” Mahina kong sabi.

Tiningnan ako ni Kuya D na may pandududa, pero binalik nya rin ang kanyang tingin sa papel na sinusulatan. Mabigat kong ibinagsak ang aking katawan sa sofa. Nakakapagod ang araw na ito, nakakastress.

Hindi na ako muling kinibo ni Kuya D, sa pagkakataong ito ako naman ang tumingin sa kanya. Bakit tila hindi nya alam na pumunta ako sa annual meet up? Hindi kaya sya sinabihan nila Ate Erica?

"Chalstine, Log In!" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon