Chapter 2: Ironic_Volvo

4.4K 94 24
                                    

CHAPTER 2: Ironic_Volvo

Nagtakbuhan kami papunta sa computer shop! Excited na akong makalaban si Buwakaw, matitikman nya ang matindi kong panlaban dahil sa hamon nya. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong mapatumba ang clan nila. Dahil hindi lang basta simpleng pagkapanalo ang magagawa namin, maaari pa kaming magchampion sa TLC dahil sa points na kulang na lang namin. Sisikat pa kami dahil kami ang makakatalo sa Ultimate Force Clan! Buwahahaha!

“Game, game!” nagsipagupuan na kami sa mga upuan namin.

Itinaas ko ang dalawa kong paa sa upuan, mas kumportable kasi ako sa ganitong posisyon kapag naglalaro. Sinuot ko na ang naglalakihang headset na nakasabit sa gilid ng monitor. Kumamot na ako ng palad para siguradong walang kumati sa anumang parte ng kamay ko, saka ko hinawakan ang mouse. Sabay click ng icon ng TLC sa desktop.

“Putragis, ang bagal mag-loading!” excited na sabi ni PJ.

“Dapat nagpaiwan ka na lang dito Dave, tapos inopen mo na yung mga PC natin. Baka hindi na natin mabutang mag-online yung UFC!” pangaalaska naman nitong si Steven na katabi ko lang.

Magkakatabi kaming lima ng pwesto, ako ang nasa gitna para daw makita nila ang paglalaban namin ni Ironic_Volvo. Hinahayaan ko lang silang magtrashtalk-an, basta ako magfofocus sa clash.

“Easy! Ayan na oh, 88% na!” malakas na sigaw ni Aaron.

Kinakabahan ako na excited. Pakiramdam ko matatalo ko na talaga si Ironic_Volvo sa pagkakataong ito. Ilalabas ko lahat ng matindi kong armas sa kanya. Hindi ako pwedeng mapahiya, sya dapat ang mapahiya dahil sya ang nag-aya ng clash. Ilalampaso ko yung buwakaw na yun! Aba akala nya madali akong mapatay? Tinuruan ako ng Kuya ko kaya hindi ako matatalo! Wahahaha!

“Hoy! Chalstine, login!” hinila ni Dave ang buhok ko dahil hindi pa ako nakakapag-login. Nakatingin lang ako sa screen ng PC.

“Eto na, eto na!” sigaw ko naman sa kanya habang kinakamot ko ang ulo ko.

“Room 520 daw sabi ni Steel_Warrior.” Isa sa mga kamembers ni Ironic_Volvo si Steel_Warrior, isa rin sya sa magagaling na kagrupo nila.

Sa hudyat ni PJ lahat kami nag-online na at pumasok sa tribe.

Nakapagtataka ang tribe pagpasok namin, walang bakas ng kung anumang gyera ang makikita. Wala kaming makita na ni isang member ng UFC na pakalat-kalat. Kung dati-rati pagpasok namin may sumasalubong agad sa aming kalaban, ngayon wala ni isa. Ang weird.

“Naka-login ba sila?” nagtatakang tanong ni Aaron.

“Oo, ayan oh! Nasa chat box silang lahat. Mukhang may strategy sila ngayon. Ito na ata ang katapusan nating KFC.” Sagot naman ni PJ.

Napalunok ako ng laway, kinabahan ako bigla. Ito na nga ba ang katapusan namin? Pinaghandaan ata talaga nila ang labang ito. Ito ang unang pagkakataon na nag-aya sila ng clash pero hindi naman sila yung agad na susugod, o hindi namin sila agad makita. Nakapagtataka, ano kayang pinaplano nila.

"Chalstine, Log In!" (Completed)Where stories live. Discover now