Kabanata 50 - Hindi waring Pangyayari

Start from the beginning
                                    

Catherina kalma ka lang ha, huwag mo munang ilabas ang dragon mong pag-uugali.

"Aba ay talagang bastos nag pananalita mo ha Catherina!? Hindi ka talaga marunong gumalang sa mas nakatataas sa 'yo!?" galit niyang sabi sa akin at kaagad niya akong nilapitan at marahas na naman niyang hinawakan 'yong buhok ko "Ayan sige lamunin mo lahat ng inihain ko sa 'yo ha, kainin mo lahat iyan Catherina! KAININ MO!" at iningud-ngod niya ako sa lapag kung saan tumapon 'yong pagkain na inihain niya sa akin.

"Sige kainin mo lahat 'yan! Bastos ka hindi ba? Ayan sige kain!" sigaw niya sa akin at sinabunutan niya pa ako habnag ningungud-ngod niya ako sa sahig.

"Tama na! Ayaw ko na ayaw ko na po!" wika ko kasi nasusugatan na no'ng mga bubog ng plato 'yong ibang parte ng mukha ko.

Iniangat niya 'yong mukha ko at napahinga ako ng malalim.

"Sa susunod Catherina sumagot ka ng maayos hindi 'yong ikaw pa 'yong nagpapamukha sa akian na sinungaling ako, sa bahay na 'to ako ang tama ha AKO! NAIINTINDIHAN MO BA AKO HA!?" galit niyang tanong sa akin.

Napahinga pa ako ng malalim bago ako sumagot.

"Opo Donya Hilaria" sagot ko at marahas niya akong binitawan.

"Linisin mo lahat 'yan! Punyeta wala na akong ganang kumain!" galit niyang sigaw at nilayasan an niya ako.

Kaagad naming lumapit sa akin sila Restita at Hulya para tulungan ako.

"Diyos na mahabagin, ano ba itong ginawa sa iyo ni Donya Hilaria?" nag-aalalang tanong ni Hulya sa akin.

"Paumanhin Catherina kung wala kaming nagawa kanina, hindi naman kami makalapit sapagkat napangunahan kami ng takot" paghingi ng tawad sa akin ni Restita.

"Huwag kayong humingi ng sorry na dalaw---, ang ibig kong sabihin ay huwag kayong humingi ng tawad sa akin dahil wala kayong kasalan, talagang iyang demonyang hilaria na iyan ang namumuro na sa akin" sabi ko sa kanila at tinulungan nila akong makatayo.

"Hulya ako na ang maglilinis dito at ikaw nang bahala kay Catherina, dalhin mo siya sa ating silid at iyong gamutin ang kanyang sugat" utos ni Restita kay Hulya at tumango naman si Hulya bilang tugon at tinulungan naman nila akong dalawa na makatayo at dinala nila ako sa kwarto nila para gamutin.

Kaagad nila akong nilinisan muna at nanghihina ako sa ginawa ng Hilaria na 'yan sa kin, gusto ko siyang gantihan, gusto kong gawin lahat ng ng imahinasyon ko kanina mas brutal 'yon at walang awa kaso naunahan niya ako.

Ginamot na nila ang sugat ko at nagtamo ako ng sugat sa pisngi at noo kaya naman agad nila itong nilagyan ng dahon dahon na dinikdik sabay lagay sa noo ko, mabisa raw itong panggamot sa mga sugat.

-------

Kinahapunan ay tinawag na naman ako ni Donya Hilaria at medyo kinabahan na naman ako baka kasi maltratuhin na naman niya ako, pagginawa niya uli 'yon gaganti na talaga ako at wala na akong pakialam kung ipakulong niya ako.

"CATHERINA!? Napakakupad kumilos, ang ayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako!" sabi ni Donyang demonya pagkalapit ko sa kanya.

Aba gago pala 'to eh? Kakarampot na segundo lang ayaw maghintay? Sino ba siya para umasta siya ng ganyan? Ang kapal ng mukha!

"P-pasensya napo uli?" medyo pang-iinsulto kong sabi sa kanya at napahinga siya ng malalim.

May hinagis siya sa harapan ko at kaagad koi tong pinulot.

"Iyan ang bayad ko sa paninilbihan mo sa araw na 'to, maaga kang umalis sa bahay ko ngayon at ayaw kong makita ang pagmumukha mo kaya lumayas ka at bumalik ka bukas, intiendes?" sabi niya sa akin.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now