Kabanata 33

3.9K 110 3
                                    

Kabanata 33
Jealous

I want to back-out and stay at our mansion. It seems like my world turned into a tiny place where I can't find peace.

"Hi." Gusto kong ibato kay Caiden ang box na dala ng makita siyang naghihintay sa labas ng hotel.

"Caleb told me it's your first day so.." Aniya at aambang kukunin ang box na dala ko ngunit agad kong inilayo sakaniya.

"I don't need your help. Step out." Malamig kong untag dahil nakaharang siya sa aking daraanan.

Matalim niya akong tinignan ngunit tumabi rin. Agad ko siyang nilagpasan at nagpapasalamat akong hindi na niya ako sinundan. He's really getting into my nerves. I'm learning to hate everything about him!

"I'm sorry about what happened.. I'm just.. mad and.." Gusto ko na talagang ibato sakaniya ang box na hawak dahil hinabol niya pa rin ako.

"Stay away Caiden. Give me a peace of mind. Please." Mariin kong sambit at pinidot ang button ng elavator.

Hindi siya nagsalita kaya nilingon ko siya at nakita kong palabas na siya ng hotel. Mabuti naman.

"Good morning ma'am, welcome po sa Casa De Galves." Bungad saakin ni Hanna, yung receptionist na friendly pagkapasok ko.

It was my first day of work. Nagkaroon muna ako ng isang linggo training para mainform ako sa ilan pang dapat gawin.

"Do you know where is my office?" Tanong ko habang dala-dala ang isang box kung saan nandun ang mga dinala kong gamit.

"Yes ma'am. Binilin na po saakin ni Sir Caleb ang offfice n'yo." Ngiti niya at sinabi ang direksyon papunta saaking office.

"Thank you." Binigyan ko ng matamis na ngiti si Hanna bago siya talikuran at sundin ang direksyong sinabi niya.

Hindi naman ako nahirapan hanapin iyon. May computer at swivel chair na nag-aabang saakin. Maaliwalas ang loob dahil sa malaking bintana. Agad kong nilabas ang gamit at nilinis ang office. Iyon ang una kong ginawa sa aking first day.

"Nakakapagod!" Padarag akong umpo sa aking swivel chair at halos mapamura sa gulat ng bigla itong bumaba. Mukhang sira na ito at kailangan ko ng palitan.

Binuksan ko ang computer at simulan ayusin ang mga file. Nilagyan ko rin ito ng password.

"Knock knock.." Napatingala ako kay Caleb na nakangiting nakasandal sa hamba ng pinto.

"Hey.." Ngisi ko at tumayo at pinasadahan ng tingin ang office.

"We're having lunch, join us." Aniya kaya napatingin ako sa pangpulsong relo at nagulat dahil magaalas onse na. Ganoon ako katagal naglinis? Oh right Adelina, you don't even know how to clean so you need lots of time to finish this kind of stuff.

"Sure." Pinagpagan ko ang aking kamay. Mabuti na lang at hindi ako pawisin at hindi naman ako nag-amoy pawis dahil siguro na din sa aircon.

Kaming dalawa lang ni Caleb ang bumaba. Gusto kong magtanong kung nasan ang ibang empleyado ngunit naisip kong siguro ay nauna na. Ang sabi kasi saakin ni Hanna na madalas daw magyaya si Caiden na maglunch ng sabay-sabay.

Galves #1: Chasing the WindWhere stories live. Discover now