Kabanata 15

3.5K 117 7
                                    

Kabanata 15
Favor

"Ma'am ano po nangyari?" Natatarantang bungad saakin ni Manong Berting ng makita niya akong paika-ika maglakad.

Napatingin siya sa aking sugat at sinusubukan akong alalayan.

Kinumpas ko ang aking kamay upang sabihin kaya ko ang sarili ko. Agad naman niyang binuksan ang pinto ng kotse at hinawakan na aking braso upang maiangat ang sarili at makapasok sa kotse.

"Nako ma'am kapag nalaman yan ng Mommy nyo.." Napabuntong-hininga ako at hinanap ang tissue sa aking bag.

I tried to act normal while wiping the blood rushing down my leg and I can't feel the pain physically. My emotionally pain driven me.

Napailing ako sa naramdaman ko. This is all my fault after all. Caiden is nothing to do with my feelings. It's all on me. Kung nasasaktan man ako iyon ay dahil masyado akong mapilit.

Sinarado ni Manong Berting ang pintuan at umikot papuntang driver seat.

Napapikit ako at sinandal ang ulo sa upuan ng biglang tumigil ang kotse kaya napadilat ako.

"Nako Caiden!" Ani Manong Berting na halos atakehin dahil sa pagsulpot ni Caiden sa harap.

Agad niyang binuksan ang pintuan ng kotse at tinignan ang sugat ko. Bahagya ko yung itinago sa isa kong binti kahit na nakita naman na niya. Umiwas ako ng tingin.

"Hintayin nyo ako manong. Kukunin ko lang gamit ko." Aniya. Napatango na lang si Manong kahit mukhang litong-lito siya saamin.

Agad naman tumakbo palayo si Caiden kaya sinara ko na ulit ang pintuan.

"Let's go." Malamig kong sambit habang nakatingin lang sa harap.

"Eh ma'am sabi ni Caiden.." Nag aalangang sagot niya.

"Aalis tayo o sasakay ako ng tricycle pauwi?" Napakamot sa batok si Manong at humarap na sa manibela at agad pinaandar ang sasakyan.

Pinilit kong maglakad ng normal ng makarating kami sa mansion. Kahit ramdam na ramdam ko ang hapdi ng sugat ko ay nagmadali akong umakyat upang hindi na mapansin pa ng mga katulong dahil paniguradong sasabihin nila kay Mommy 'yon.

Nilabas ko kaagad ang first-aid kit ko ng makapasok sa aking kwarto. Hindi ko alam kung paano gamutin ang sugat pero napapanuod ko sa mga palabas na nilalagyan ito ng alcohol.

"Shit!" Mangiyak ngiyak ako habang nanginginig na pinapahid ang bulak na may alcohol sa aking sugat.

"Ma'am!" Katok ng isang maid kaya tinago ko kaagad ang bulak at alcohol at tinakpan ng kumot ang sugat. Sakto naman na nabuksan na ng katulong ang pinto.

"Hanap ka po ni Caiden.." Aniya sa mapanuksong tono.

Sumunod pa rin siya? Para saan? Nakokonsensya siya dahil sa nangyari kanina? Dahil sa sugat ko?

"Tell him that I don't accept visitor today." Napataas ang kilay ng katulong. Siguro kung normal na araw lang ay halos magtatakbo ako palabas para puntahan sa Caiden.

Pero no.. Today is too much. Mas nananig ang galit at sakit saakin. Sa mga babae. Sa kaniya. Gusto ko siya pero bakit ang sakit sakit naman niya magustuhan?

Hindi ako pumasok kinabuksan dahil nalaman ni Mommy na nagkasugat ako. Sinabi kong nakuha ko iyon habang naglalaro sa PE class ko kaya agad niya akong dinala sa dermatologist upang malaman kung magiging peklat ba ang sugat ko.

"Her wounds isn't serious Mrs. Oliviera. To avoid any infection use this medicine." Napairap na lamang ako habang tutok na tutok si Mommy sa sinasabi ng doctor.

Galves #1: Chasing the WindWhere stories live. Discover now