Kabanata 32

3.8K 112 4
                                    

Kabanata 32
Galit

"Ma'am nauuhaw ka po ba? Juice or coffee?" Tanong saakin ng receptionist na mukhang nag-aalala na dahil ang tagal lumabas ng magiinterview saakin.

"No. Thank you." Pormal kong sagot at umayos ng upo.

Kalahating oras ang nakakalipas ay nagsimulang magsilabasan ang ilang tao sa pinto kung nasaan ang meeting. Nakaramdam ako ng kaba at hinihiling na sana ay hindi pa lumabas si Caiden.

"Ms. Dela Cruz.." Aniya ng isang maliit at kulay brown na babae sa receptionist.

"Where's Ms. Oliviera? Is she here now?"

"Yes ma'am.." Dinaluhan ako ng receptionist kaya tumayo na ako at lumapit sa babaeng sa tingin ko ay si Mildred.

"Hello ma'am. I'm Maria Adelina Oliviera." Binigyan ko siya ng magandang ngiti.

Sinilip niya ako sa suot na salamin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Come with me." Aniya kaya naman sumunod ako sakaniya.

Pumasok siya sa isang pinto na agad kong pinasalamatan dahil hindi na ako naabutan ni Caiden. Tanging tunog lamang ng aming heels ang naririnig sa hallway. Pumasok muli siya sa isang pinto.

"Sit here." Aniya at itinuro ang upuan na nakaharap sa table. Pumunta siya sa isang cabinet ay may kinuhang papel bago lumapit at umupo sa aking harapan.

"Okay Ms. Oliviera. Tell me about yourself." Huminga ako ng malalim at ngumiti sakaniya bago nagsalita.

Ilang simpleng tanong lamang ang ibinato niya saakin kaya madali ko itong naisagot. Mukhang natutuwa siya sa lahat ng sinasabi ko kaya napapatango-tango siya.

"Okay Ms. Oliviera. I want you to wait for Mr. Tiamson for another interview. Congratulations and goodluck." Tipid niyang ngiti at tumayo na. Nakipagkamay muna ako sakaniya bago umalis sa kwartong iyon.

Tinahak ko ang kaninang dinaanan namin upang makabalik sa information. Nakita ko doon ang receptionist at mukhang naghihintay ng balita.

"Ma'am kumusta po?" Napangiti ako dahil mukhang friendly siya at masayahin.

"I'll just wait for Mr. Tiamson for another interview." Kaya't naghintay muli ako ng ilang minuto bago ako pinatawag ni Mr. Tiamson.

Hindi naman nabago ang questions ni Mr. Tiamson at katulad lamang ng tinanong saakin ni Mrs. Agustin kaso may mga pafollow-up question siya kaya kami natagalan. He even asked me if I have a boyfriend. Is this really necessary?

Ilang minuto siyang may sinulat sa papel na hawak bago bumaling saakin.

"Go to 15th floor and ask for Mr. Galves for your final interview." May binigay siyang isang maliit na papel saakin.

"This is my number. Call me if he didn't hire you. I'll help you in some hotels here.." Binigyan niya ako ng nakakalibot na ngiti. Tumindig ang balahibo sa aking batok. Now, he's hitting on me. He looked like late 50's for Pete's sake.

"Oh thank you. How thoughtful of you Mr. Tiamson." Kahit na ganoon ay binigyan ko pa rin siya ng matamis na ngiti kahit sa loob-loob ko'y gusto ko ng umalis sa opisina niya.

"Just call me Alejandro.." Natatawang sambit. Magalang akong ngumiti at nagpaalam na sakaniya.

"What an ass.." Bulong ko sa sarili at dumiretso na sa elevator. Kinawayan ko muna si Hanna na siyang receptionist. Kumaway rin siya saakin at malapad ang ngiti.

Pagkarating ko sa 15th floor ay may receptionist na naghihintay saakin. Alam niya agad na si Mr. Galves ang sadya ko dahil agad niyang tinuro ang opisina nito.

Galves #1: Chasing the WindWhere stories live. Discover now