Kabanata 31

3.7K 118 9
                                    

Kabanata 31
Casa De Galves


Napahawak ako sa aking sentido habang pinapanuod ang hilaw na ngiti ng aking magulang.

"Welcome back!" Saad ni Mommy habang may suot na party hat sa ulo. Ganoon rin si Daddy.

"Mom! Dad!" Hindi ko alam kung ano bang emosyon ang ibibigay ko sakanila.

Ang matuwa dahil sa wakas nakauwi na ako at nakasama ko na sila o mainis dahil niloko lang nila ako para makauwi sa La Puerto.

"Mommy mo nagplano nun. Sumunod lang ako sa gusto niya.." Defensive na paliwanag ni Daddy.

"Bakit ako lang? Diba sabi mo mag-isip ako ng plano para makauwi si Adelina dito?"

"But you still the master mind.."

"Gustong-gusto mo nga!" Bago pa sila mag-away sa harapan ko ay inawat ko na agad sila.

"Okay na Mommy, Daddy.." Kalmadong kong sambit at tipid na ngumiti.

Tutal ay hindi ko na kailanman makukuha ang offer sa Bangkok dahil hindi ako nakapunta sa initial interview ay mabuti na rin na nandito na ako sa La Puerto. Hindi ko lang akalain na ngayon na ako makakabalik.

"So, hindi totoo yung pagbenta ng 24 hectares?"

"Ah no. It's true. We really sell our 24 hectares." Nawindang na naman ako at bumalik ang aking kaba.

"Why? Naghihirap na ba tayo?" Sabay silang tumawa sa sinabi ko kaya napakunot-noo ako. Why is it my parents turned to be a childish?

"Oh my darling. Don't worry, pwede ka pang di magtrabaho ng ilang taon. And besides, those 24 hectares is nothing." Mas napataas ang kilay ko sa sinabi ni Daddy.

"Yung 24 hectares na 'yon ay yung hindi nagagamit ng Daddy mo sa plantation. Ang dami pa nating lupa ang hindi pa napagkakaabalahan kaya wala lang 'yon." Paliwanag ni Mommy kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Sa dami ng ari-arian ni Daddy sa La Puerto, bakit hindi ko iyon naisip?

"Anyway, you should rest, Adelina.. Sorry for making you worry." Malambing na sambit ni Daddy kaya napangiti ako. Naiintindihan ko naman sila. Alam kong miss na miss na nila ako.

"It's okay Daddy. I'll stay here." Nagliwanag ang mukha ng dalawa.

"And i'll find a job."

"Manang-mana ka talaga sa Daddy mo. Napakaworkaholic." Mommy rolled her eyes and Daddy laughed.

"You should try Casa De Galves." Parang nabingi ako sa sinabi ni Daddy at hindi ko alam kung papayag ba ako sa suhesyon nya.

"Ang sakit ng ulo ko. Magpapahinga muna ako.." Pagiiba ko ng topic. Hindi naman nila napansin ang pag-iwas ko doon dahil agad silang pumayag sa gusto ko.

"I miss the old Adelina." Naririnig kong sambit ni Mommy ng tinalikuran ko sila.

I understand my Mom. Kahit ako ay nagulat sa malaking pagbabago. Nagbago ang pananaw ko sa halos sa lahat ng bagay. Noon, I imagined myself doing nothing because we're rich and I don't need to earn money. But now, I feel like i'm a big burden if i'll do nothing.

Tinahak ko ang aming hagdan. Napangiti ako at napahaplos sa railing at naalala ang mga nakaraan. Kahit apat na taon lang naman, pakiramdam ko ang tagal kong nawala. Pinagmasdan ko ang buong mansion mula sa taas. Wala naman pinagbago. Ganoon pa rin.

Pumasok ako sa aking kwarto at ganoon lang rin. Wala rin pinagbago. Ganoon pa rin ang ayos ng lahat ng gamit. Parang kahapon lang ang lahat. Nangilid ang luha ko kahit hindi ko alam kung para saan 'yon. Maybe because finally, I found my home again.

Galves #1: Chasing the WindWhere stories live. Discover now