Kabanata 26

3.5K 103 4
                                    

Kabanata 26
Valentines

I took a deep breathe and wipe out my tears. I don't want anyone sees me crying. Elaine will be happy.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Benj at mukhang hindi mapanatag. Kinakalma ko ang aking sarili at pilit na ngumiti.

"I am now." Sagot ko. Napakunot-noo siya at takang-taka nakatingin saakin.

"What was that?" Pilit akong tumawa kahit nagmukha iyong peke.

"Don't mind me, Benj. I'm fine. I just feel like crying." Kibit-balikat ko.

"Tamang trip umiyak ganon?" He looked frustrated. I chuckled and snaked my arms in his arms.

"Let's go." Pag-aya ko at bumalik na kami sa classroom. Halos lahat sila ay nakatingin saamin dalawa ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon.

Umuwi akong parang walang nangyari. Hindi ko sinabi kay Benj ang nalaman ko dahil alam kong maaawa sakin 'yon. And I don't like pity party.

Dumiretso ako sa aking kwarto at doon binuhos ang sakit na pilit kong itinago sa school. Para bang paulit-ulit akong pinapatay ng sakit. Punong-puno ako ng bakit sa aking utak.

Pinikit ko ang aking mata, sana paggising ko panaginip lang ang lahat dahil hindi ko matanggap. Mahal ko na si Caiden.

Nagising ako sa sunod-sunod na katok ni Daddy. Nakatulog ako kakaiyak kaya naman ang hapdi ng mata ko. Hinanap ko ang eye glass ko na minsan ko lang ginagamit. Sinuot ko ito at tinignan sa salamin kung halata ba ang pamamaga ng mata ko.

"Mabuti naman hindi." Saad ko sa sarili ng makita ang sarili sa salamin.

"Maria!!" Rinig kong sigaw ni Daddy kaya naman agad ko itong dinaluhan at binuksan ang pinto. He looked scared about something.

"What's the problem, Daddy?"

"Uuwi na naman sa Cebu ang Mommy mo." Nanlaki ang mata ko at agad na pumunta sa kwarto nila. Kasalukuyan niyang inaayos ang maleta, sa pagkakataon na ito halos lahat na talaga ng damit niya ay dinala niya.

"Mommy.. Please..." Pagsusumamo ko at wala nang ibang masabi kundi magmakaawang huwag siyang umalis.

"Just call me if you changed your mind Adelina." Malamig niyang saad at hindi ako tinatapunan ng tingin.

"What are you talking about?"

"Bakit hindi mo na lang respetuhin ang desisyon ng anak mo? She wants to stay here Adelle, please.." Ani Daddy na sumunod na rin saakin.

"Then fine. Stay with your Dad." Galit na sambit saakin ni Mommy at padabog na kinuha ang ilan pang gamit.

"Mommy please huwag ka na po umalis.." Nanginig ang boses ko. Unti-unti na naman akong nawawasak dahil sa problema ng pamilya ko.

"Hihintayin kita sa Cebu Adelina at doon ka magcocollege. Kung ayaw mo, huwag nyo ng asahan na babalik pa ako sa La Puerto!"

Hindi namin napigilan ang kagustuhan ni Mommy umalis. Napatulala na lang ako sa lahat ng nangyari. Wala na akong luhang mailabas. Nagkulong si Daddy sa kwarto nila. I want to comfort him but how can I do that if I also needs it?

Kinabukasan, hindi pumasok si Daddy sa planta. Ang sabi ng kasambahay ay nagkulong lang buong gabi si Daddy katulad ng ginawa ko.

"Nakakarinig nga po kami ng kalabog sa kwarto ni Sir, kaya nag-aalala kami." Pagkwento nila saakin.

Napabuntong-hininga ako at inutusan silang kunin ang master key ng buong kwarto dahil nilock ni Daddy ang kwarto sa loob.

"Daddy.." Malambing kong tawag ng mabuksan ko ang kwarto nila.

Galves #1: Chasing the WindWhere stories live. Discover now