Kabanata 16

3.6K 119 9
                                    

Kabanata 16
Bakit Hindi Ka Tumatawag

I was looking blankly at my phone. It was a lazy afternoon. The bird chirping from a far gives me chill.

"You think I should try this one?" Nabaling ako kay Benj nakapangalumbaba at mukhang malalim rin ang iniisip.

He was referring to guy that he met through social media. Convincing him to come from a date.

"If that's what your hearts want." Sagot ko at nagkibit-balikat.

Tumunog ang kaniyang cellphone hudyat na mensahe galing sa lalaki. Agad niya itong hinarap at aligaga sa pagtatype ng reply sa message. Napailing ako tinignan muli ang aking cellphone.

Ilang araw na ang nakalipas simula ng nakasama ko si Caiden. Hindi na muli ako dumalaw sa school niya. Nung nagdaan ang friday at weekends naman ay naging abala kami sa mga projects at research. Naging pabor pa 'yon para saakin para magkaroon ng rason na iwasan si Caiden.

"Tawagan mo na kasi." Baling saakin ni Benj pagtapos mag type.

Umiling lamang ako at sinulyapan ang kaniyang phone na may mensahe agad na natanggap. Napangisi ako.

"Mukhang tatagal yan ah." Ngisi ko kaya natawa siya at sinulyapan rin ang hawak na phone.

Madami nang nakilala si Benj na katulad nya rin ngunit hindi ito tumatagal sa takot na makilala siya at malaman ng mga magulang niya. Madalas ay naghahanap siya malayo sa La Puerto upang di makilala.

"Baka naman binigay niya talaga sa'yo number niya at hindi inutos ng Daddy mo." Aniya pagkatapos magtipa ng reply sa katext. Tahimik lang ako at hindi nagbibigay ng kahit ano pang reaksyon.

"Pero ayoko naman umasa ka.." Sabay kaming napabuntong-hininga. Mukhang siya rin ay ginawang problema ang nangyayari saakin.

"Ganto na lang.. Labas tayo bukas pagkauwian! Tutal tapos na title defense natin nun!" Aniya at tunog excited sa naisip.

"Saan naman tayo pupunta?" Matamlay kong tanong.

"Sa bayan, o sa may batis malapit lang 'yon samin!"

"Ayoko nga! Tayong dalawa lang? Pagsamantalahan mo pa ako doon sa batis." Biro ko na kinataas ng kaniyang isang kilay.

"May balls kaba?" Mataray niyang tanong kaya napahagalpak na ako ng tawa. I think going out with Benj sounds fun.

Kinabukasan ay halos lahat ay masaya dahil natapos ng maayos ang title defense. Lahat ata ay may planong lumabas dahil ilang linggo rin pinaghandaan na nawalan ng oras upang gumala. Kaya't kahit lunch break pa lang ay kaniya-kaniyang lakad ang usapan.

"Pupunta kami sa Salapungan Falls, sama ka Adelina?" Aya saakin ni Trisha na nakakausap ko paminsan-minsan.

"May ibang lakad kami ni Benj eh." Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti ngunit hindi na nagtanong.

"Sayang naman.." Aniya. Ngumiti na lamang ako at tinignan si Benj na kanina pa ako tinatawag sa labas.

"Adelina ang tagal mo! Gutom na ako!" Sigaw niya kaya't halos lahat ng mga kaklase namin ay napatingin sakaniya. Tahimik lamang sila at hindi kami makantyawan, siguro'y natatakot saakin.

"Eto na." Irap ko at agad na lumabas sa classroom.

"Bili na rin ba tayo makakain sa batis?" Tanong niya habang papasok kami sa canteen.

"Pwede rin o papabili na agad ako kay Manong Berting ngayon para diretso na."

"Sige!" Sang-ayon niya kaya't nilabas ko na ang aking cellphone upang maitext si Manong Berting.

Galves #1: Chasing the WindOnde histórias criam vida. Descubra agora